Cherie Gil pinatay na sa Ikaw Lamang, netizens nagluksa | Bandera

Cherie Gil pinatay na sa Ikaw Lamang, netizens nagluksa

Ervin Santiago - June 14, 2014 - 03:00 AM


PINATAY na ang primera contravida na si Cherie Gil sa nangungunang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.
In fairness, marami ang nalungkot at nanghinayang sa karakter ni Cherie bilang si Miranda, na aksidente ngang nabaril ng gumaganap na tatay niya sa serye na si Ronaldo Valdez bilang si Maximo, matapos nga niya itong iligtas mula sa planong pag-ambush nina Gonzalo (John Estrada) at Paquito (Ronnie Lazaro).

Nagluksa ang mga netizens sa pagkawala ni Cherie sa Ikaw Lamang, anila, isa ang kontrabidang aktres sa nagbibigay ng kulay sa soap opera nina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes at Jake Cuenca.

Sa website ng ABS-CBN, nabasa namin ang ilang komento ng die hard supporters ng Ikaw Lamang. Narito ang ilan: “Mataas ang rating tonight of #IkawLamangLifeAndDeath galing ng mga cast especially Cherie Gil galing umarte just like Kim chiu.”

“Grabe. Intense ang #ikawlamang..The kind of teleserye na ayaw kong may karakter na mawala. The Great Ms. Cherie Gil is a big loss!”  Ayon naman kay Dreamscape publicity head Eric John Salut, “Thank you, Ms. Cherie Gil for your great contribution in #IkawLamang.

You will be missed. #IkawLamangLifeAndDeath.”  Sa kanyang Instagram account, nag-post pa si Cherie Gil ng isang larawan kung saan kasama niya ang iba pang cast ng Ikaw Lamang, na may caption na: “This is a truly happy set. Best team I’ve worked with on a soap #ikawlamang #happyhappy.”

Samantala, pansin ng mga manonood, talaga raw nagpapatalbugan sa akting sina Julia Montes at Kim Chiu sa Ikaw Lamang. Parang may conscious effort daw ang dalawa para magpagalingan sa kanilang performance.

E, siyempre naman, magpapahuli ka ba sa galing ng mga kasama nila sa serye, lalung-lalo na kay Coco Martin at sa veteran stars na sina Cherie, Ronaldo Valdez, John Estrada, Angel Aquino at Cherrie Pie Picache?

( Photo credit to cherie gil official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending