PBB kinastigo ng MTRCB pero walang binigay na parusa | Bandera

PBB kinastigo ng MTRCB pero walang binigay na parusa

Reggee Bonoan - June 12, 2014 - 03:00 AM


NATULOY na ang conference meeting kahapon ng MTRCB sa pangunguna ni Chairman Toto Villareal sa mga bossing ng ABS-CBN hinggil sa kontrobersiyal na “nude painting session” sa PBB All In.

Nakipagkita sa ahensiya ang grupo ng nina Raymund Dizon (executive-in-charge of production), Justin Javier (production manager), Alou Almaden (business unit head), Cynthia Jordan (production manager), Marcis Joseph Vinuya (program producer) at legal counsel na si Atty. Mona Lisa Manalo.

Sa panig naman ng Philippine Commission on Women na siyang unang nagpahayag ng pagkaalarma sa nasabing episode ng PBB, naroon si Chairperson Remedioa Rikken at information officers na sina Osfelia Escuriaga at Nikki delos Santos.

“Mahabang diskusyon, maraming pinag-uusapan, lumabas muna kami kasi masyadong teknikal at kanya-kanyang paliwanagan,” kuwento sa amin ng aming source.

Wala raw planong humingi ng sorry ang ABS-CBN sa “nude painting session” sa loob ng Bahay ni Kuya dahil pumayag naman daw mismo ang housemate na si Jaymee Jalandoni at kung talagang labag ito sa kalooban niya, dapat ay hindi raw nito sinunod ang utos ni Kuya.

Base naman sa post ng taga-PBB na iritable sa mga bumatikos sa kanilang programa, “The show reinforces how society treats women and their role in the society. That they are simply meant for housework…”

“Talaga lang? Eh, di ‘yung society ang sisihin nyo. FYI, babae po ang host ng show at babae rin ang karamihang naging Big Winner. Marami rin pong babae ang bumubuo ng programa.

“Ang konsepto ng hamon ni Kuya ay kung hanggang saan ka papayag? Kailan ka magsasabi ng oo at hindi? Pagtitimbang sa iyong pinaniniwalaan laban sa maaaring hindi pagkain ng karne sa mga susunod na araw.

Test of character. Wala pong pilitan na naganap at mas lalong wala sa intensyon na saktan, maliitin at bastusin ang mga kababaihan,” paliwanag nito.

Samantala, nakatanggap kami ng mensahe kahapon mula sa publicist ng reality show na si MJ Felipe tungkol sa naganap na conference meeting, “According to Mama Bear (Cynthia Jordan), pinakinggan lang ‘yung side ng nagrereklamo at ‘yung side ng PBB.

“No sanctions naman, parang nag-remind lang na mag-self regulate at maglagay ng SPG if kailangan.  PBB reiterated na carefully though of naman ‘yung concept ng challenge.

Sabi pa, “But then again, Toni (Gonzaga) will issue a statement tonight (kagabi) saying na humihingi ng pasensiya if the episode cause stress to some people.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa madaling salita ay walang parusang ipinataw ang MTRCB sa PBB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending