Paulo nagmumura ang sex appeal; Bea bumigay
Pinahanga kami ng creative team ng Dreamscape Entertainment Television for coming up with a fresh story of love, deceit and revenge and unpredictable twists para sa inaabangan nang teleserye nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
From start up to the last episode na napanood namin during the special cinema screening ng pilot week ng serye, we’re always on the edge of our seat.
We keep on thinking ano’ng susunod na mangyayari, sino ang sincere and gray ang characters, at kung sino ang tunay na nagmamahal sa character ni Rose (Bea).
Hanggang paglabas namin sa cinema 7 ng Trinoma Mall ay nagtatalo-talo pa ang ilang mga nakapanood sa mga susunod na episodes ng SBPAK.
Kaya kahit napanood na namin ang first week episodes it seems everyone is still interested na panoorin ulit ang pilot week na magsisimula na sa June 16.
Pinakilig kami nang mapanuksong eksena ni Paulo kay Bea. Grabe ang sex appeal ni Paulo sa serye, talagang nagmumura! Stunning si Maricar Reyes bilang kontrabida sa buhay ni Bea.
Naiintriga naman kami sa tunay na katauhan ni Paolo, Albert Martinez, Tonton Gutierrez and Dina Bonnevie. Wala pa ring kupas ang veteran stars na sina Susan Roces, Anita Linda at Eddie Garcia.
At si Bea, hindi lang siya movie queen of the new generation kundi siya rin ang pinakamahusay na aktres sa kanyang panahon.
Pelikulang-pelikula hindi lang sa members of the casts and story ang dating ng SBPAK kundi pati sa promo campaign nito.
Mala-premiere night ng bagong pelikulang ipapalabas sa sinehan ang ginanap na special screening ng teleserye nina Bea at Paolo sa Trinonam, huh!
Kaya tama si Bea when she told us na they want the audience a movie experience talaga with her new teleserye sa Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.
( Photo credit to paulo avelino official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.