Rain or Shine, Talk ‘N Text itataya ang winning streak | Bandera

Rain or Shine, Talk ‘N Text itataya ang winning streak

Barry Pascua - June 10, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Meralco vs Rain or Shine
8 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull

PAHAHABAIN pa ng Rain or Shine at Talk ‘N Text ang kani-kanilang winning streaks sa pakikipagtunggali nila sa magkahiwalay na kalaban sa PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Tutugisin ng Elasto Painters ang ikaapat na sunod na panalo at ticket sa quarterfinals sa pagkikita nila ng Meralco Bolts sa ganap na alas-5:45 ng hapon.
Ang Tropang Texters, na nakarating na sa quarterfinals, ay naghahangad na maiposte ang ikalimang sunod na panalo kontra Barako Bull Energy sa ganap na alas-8 ng gabi.
Ang Rain or Shine, na natalo sa kanilang unang dalawang laro sa torneo, ay nakabawi na’t galing sa panalo kontra Barako Bull (96-93), Alaska Milk (123-72) at Barangay Ginebra (117-108) para sa 4-3 karta.
Subalit mataas din ang morale ng Meralco matapos na payukuin ang powerhouse San Miguel Beer, 90-74, sa kanilang out-of-town game sa Xavier Gym sa Cagayan de Oro City noong Sabado para sa 2-5 record. Kailangang maipanalo nila ang huling dalawang laro upang makarating sa quarterfinals. Ang huli nilang kalaban ay ang Globalport sa Sabado sa Biñan, Laguna.
Ang Elasto Painters at Bolts ay kapwa pinamumunuan ng mga datihang import. Ang Rain or Shine ay sumasandig kay Arizona Reid na nagtala ng career-high 48 puntos laban sa Aces. Ang Bolts ay pinamumunuan ni Mario West na humalili kay Terrence Williams.
Si Reid ay sinusuportahan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Araña. Si West ay tinutulungan nina Cliff Hodge, Reynell Hugnatan, Mike Cortez, Jared Dillinger at Gary David.
Pinabalik ng Talk ‘N Text si Paul Harris bilang ikatlong import matapos nina Othyus Jeffers at Rodney Carney. Ang Tropang Texters ay may 5-1 record.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending