Miguel susunod sa yapak ni Dingdong | Bandera

Miguel susunod sa yapak ni Dingdong

Ervin Santiago - June 08, 2014 - 03:00 AM


SIMPATIKO’T charming pa rin ang Starstruck Kids’ First Prince at GMA Artist Center talent na si Miguel Tanfelix. Pero ngayong 15 years old na ang binatilyo, mas nagiging prominente na ang features ng mukha nito, at bukod dito, marami nang nagbago sa kanya.

Matapos ang isang dekada ng pagsali sa Starstuck Kids at pagganap ng minor roles sa ilang drama series, mas confident na Miguel on screen.

Patunay dito ang pagbibida niya sa Niño sa naturang family-oriented na drama series at lalo naman itong pinagtibay ng kaibigang si Bianca Umali.

“Ibang Miguel ‘yung nakatrabaho ko ngayon eh. Of course in a good way,” ayon kay Bianca. “Mas focused siya sa bawat eksena, at parang may pinaghuhugutan talaga.”

Bago pa ang Niño, matatandaang nagkatrabaho na sina Miguel at Bianca sa Paroa: Ang Kwento ni Mariposa at Mga Basang Sisiw. “Nakaka-proud lang si Miguel, at the same time, I’m really happy na magkatrabaho ulit kami,” dagdag ni Bianca.

Aminado naman si Miguel na flattered siya tuwing napupuri ang kanyang pag-arte at kapag sinasabing siya na ang susunod na Dingdong Dantes. Pero aniya, he’s taking it in stride.

May kahirapan daw ang ginagampanan niyang role, at tinitingnan niya ito bilang isang magandang challenge sa kanyang career. “I’m really blessed to have been given a break like this.

Matagal din po akong naghintay na bumida sa isang drama series. Iniisip ko po noon, may perfect timing naman sa mga pangarap ko kaya tiyaga-tiyaga lang.”

“Bonus pa po ‘yung magkasama kami ni Bianca sa Niño. Siyempre mas masaya, may long-time friend at familiar face. Kumbaga, at ease po ako lalo na kapag magkasama kami sa eksena,” dagdag pa ng binatilyo.

Isa ang Niño sa latest offerings ng GMA Telebabad. Isa itong family-oriented drama series tungkol sa isang lalaking may problema sa pag-iisip.

Dito, makikilala at magiging kaibigan niya  ang incarnate ni Sto. Niño na kung tawagi’y si Tukayo na ginagampanan naman ng Kapuso child star na si David Remo.

Magsisilbing inspirasyon sa isang komuninad si Niño, at patutunuyan na walang imposible kung may matinding pananampalataya at pag-asa.

Mas lalo pa raw ganado si Miguel na pagbutihin ang kanyang pag-arte dahil katrabaho niya sa Niño ang ilan sa mga beteranong actor tulad nina Gloria Romero, Dante Rivero at Angelu de Leon.

Mapapanood ang pakikipagsapalaran ni Miguel Tanfelix bilang si Niño, gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending