Minaltratong OFW papauwi na | Bandera

Minaltratong OFW papauwi na

Susan K - June 06, 2014 - 03:00 AM

REGULAR na nakakasama natin sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer si Labor Attache David Des Dicang mula sa tanggapan ni Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Walang kapaguran si Dicang na naghahatid ng pinakahuling mga balita hinggil sa mga kasong patuloy na tinutugunan ng mga POLO (Philippine Overseas Labor Offices) natin mula sa mga embahada o konsulado ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa.
Isa sa mga tinutukang kaso ng POLO ay ang kay Joana Evidente, OFW mula Dammam, Saudi Arabia.

Nagreklamo si Joana na minamaltrato siya ng kanyang employer, kabilang ang ang labis-labis na oras ng pagtatrabaho at hindi pagpapasuweldo sa kanya.

Kwento niya, tatlong buwan pa lang siyang nagtatrabaho roon ay kinumpiska ng employer ang kanyang mobile phone. Tuwing umaalis ang kanyang amo ay ikinakandado siya sa loob ng bahay.

Matapos mai-refer ng Bantay OCW sa kinauukulan ang kaso ni Joana ay madali naming inaksyunan ito.

Kamakailan ay masayang ibinalita ni Dicang on-the-air sa Radyo Inquirer na ibinigay na ng employer ang suweldo ni Joana.

Hindi lang iyon, inaaasikaso na rin ng kanyang recruitment agency ang agarang pagpapauwi sa kanya.

Kaya naman masayang-masaya ang pamilya ni Joana na malamang ayos na ang kalagayan nito at hinihintay na lamang ang schedule ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Salamat sa magandang balitang iyan, Labatt Dicang.

Tinutukan din ni Labatt Dicang ang reklamo ni Arvin Jay Ovalles mula sa Dammam, Saudi Arabia.

Dalawang buwan nang natapos ang kontrata nito ngunit hindi pa rin siya pinauuwi ng kanyang employer. Kailangan daw ay may kapalit muna siya bago siya bibigyan ng ticket pauwi ng Pilipinas.

Paniwala ni Arvin na style lang iyon ng kanyang employer dahil nga marami na silang pare-parehong naghihintay lamang kung kailan gustong pauwiin ng amo.

Kaya nang matanggap namin ang reklamong ito ay ipinadala namin kaagad kay Labatt Dicang at mabilis namang napaisyuhan ng kanyang plane ticket si Arvin Jay hanggang sa makauwi na ito.

Nag-report na rin sa Bantay OCW si Arvin at nag-file na rin siya ng reklamo sa POEA laban sa kanyang ahensiya upang panagutan ang mga ginawa sa kanya ng kanyang employer, kabilang na ang hindi pagbibigay ng overtime pay pati na rin rin ang labis na mga buwang pinagtrabaho niya.

Hiniling din niya na maisyuhan ng UMID mula sa SSS. Ipinadala namin siya sa tanggapan ni Vice President for Public Affairs and Special Events Marissu Bugante at kaagad namang siyang inasikaso doon.

Labis na nagpapasalamat si Arvin Jay dahil maging sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, patuloy umano siyang inaalalayan ng DOLE, SSS at Bantay OCW.

Papaalis ngayong Hunyo si Nolito Olayao patungong Saudi Arabia.

Tanong niya kung okay pa bang gamitin ang pasaporteng mag-eexpire sa February 2015.

Payo namin sa kanya ay makabubuti kung dito na siya mag-renew sa Pilipinas upang hindi na mahirapan pang mag-asikaso ng kaniyang passport renewal pagdating sa Saudi.

 

 

 

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending