Kapag may usok, may apoy | Bandera

Kapag may usok, may apoy

Ramon Tulfo - June 05, 2014 - 03:00 AM

ISOSOLI raw ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles ang P2 bilyon na kanyang ninakaw sa gob-yerno upang huwag siyang masampahan ng kasong plunder.

Yan ang sabi ng kanyang abogado.
alaga ay parte ng ghost projects o deliveries ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas na kanyang kasabwatAng pagsoli ng ninakaw na bagay o pera ay hindi nagbubura ng kasalanan na pagnanakaw.
Hindi dapat pansinin ng gobyerno ang offer ni Napoles dahil makukuha din naman ng gobyerno ang perang ninakaw kapag siya’y nahatulan ng plunder ng korte.

Ang pagnanakaw ay malaking pagkakamali dahil pinag-isipan ng magnanakaw ang krimen bago niya ito ginawa.
Mas masahol pa ang magnanakaw sa isang taong pumatay.

Ang taong pumatay kasi ay maaaring nagawa niya ang krimen dahil sa bugso ng damdamin; ha-limbawa, nakita niyang nakikipagtalik ang kanyang misis sa ibang lalaki.

Kaya’t ang taong ex-convict na pumatay ay tinatanggap sa trabaho ng isang employer o kumpanya at hindi ang taong nahatulan ng pagnanakaw.

Hindi kasi katwiran ang magnakaw dahil sa kahirapan.
Iniisip ng karamihan na ang isang nagnakaw ay gagawa ng pagnanakaw uli kapag siya’y nagipit.

Masama ang pagnanakaw kahit na sa anong dahilan.

Pero mas masama ang magnakaw sa mahihirap.

Ang ginawa ni Napoles at ang kanyang mga kasabwat na mambabatas ay nakawin ang pera na inilaan para sa mahihirap.
Dapat silang maparusahan ng matindi.

Galit na galit si Makati Rep. Mar-Len Abigail Binay sa mga taong nagpakalat ng “white paper” kung saan inilantad diumano ang paggamit ng kanyang pamilya ng pork barrel funds.

Ang pamilya Binay kasi ay puro nasa matataas na elected positions: Si Junjun ay mayor ng Makati , si Nancy ay senador at ang kanilang ama na si Jejomar ay vice president.

Ang black propaganda raw sa kanilang pamilya, ani Abigail, ay galing sa isang grupo na may opisina sa Bonifacio Global City at tinutustusan ng dalawang magkapatid na involved sa pulitika at mining.

Ang black propaganda, ani Abigail, ay upang mapababa ang tsansa ni Vice President Binay na tatakbo sa 2016 presidential election.

Bakit naman magagalit si Abigail sa mga kinakalat na balita kung hindi totoo ang mga ito?
Ang pikon, talo.

Pero may kasabihan din na kapag may usok ay may apoy.

Kapag ikaw ay nagtanong sa mga real estate developers na nagtayo ng condominium sa Makati , hindi maganda ang sasabihin nila tungkol sa mga Binay.

Anong ginawa ng mga Binay sa condominium builders?

Sa kanila na lang kayo magtanong at huwag sa akin.

Dito pumapasok uli ang kasabihan na kapag may usok may apoy.

On the other hand, magtanong kayo sa mga business establishments sa Davao City tungkol kay Mayor Rody Duterte o sa kanyang anak na si Inday Sara na naging mayor din.

Maganda ang sasabihin ng business sector ng lungsod tungkol sa mga Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag na ninyo akong tanungin, ang mga businessmen na lang ang tanungin ninyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending