JC de Vera: Kung mambababae ka, wag na wag magpapahuli! | Bandera

JC de Vera: Kung mambababae ka, wag na wag magpapahuli!

Ambet Nabus - June 04, 2014 - 03:00 AM


Noong makapanayam namin si JC de Vera ay inamin nitong mas gusto na niyang maging maingat ngayon pagdating sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa matatawag na renewed fame niya sa showbiz.

“Sabihin na lang po natin na para bang nagsisimula ako uli sa showbiz na ang lahat ng nangyayari sa akin sa ngayon ay mas dapat kong pagyamanin at ingatan.

I’m simply grateful and happy dahil noon ko pa talaga dream na makapagtrabaho dito sa ABS-CBN. Siguro perfect timing lang,” paliwanag pa ng bidang aktor ng Moon of Desire at isa rin sa mga inaabangan sa The Legal Wife.

Noon nga raw ay trip lang niyang maging “among the rest” sa hilera ng mga bigating artista sa ABS-CBN na kahit cameo role ay tatanggapin niya.

Pero dahil marahil sa baon-baon niyang lakas ng loob at determinasyon, “sinuwerte naman po.” At 28, loveless si JC at inamin niyang hindi pa siya nakakakita ng babaeng makaka-partner niya.

“Trabaho muna habang may offers,” paniguro pa nito sabay anunsyong maliban sa TV ay natapos na rin niya ang movie with Erich Gonzales at Enchong Dee na “Once A Princess” sa direksyon ni Laurice Guillen.

At dahil last two weeks na nga ng The Legal Wife nila nina Angel Locsin, Jericho Rosales at Maja Salvador, tinanong namin si JC kung ano ang pananaw niya sa kontrobersyal na isyu ng pagkakaroon ng kabit, “Una, kung mambababae, huwag na huwag kang pahuhuli.

Pero seriously, kung talagang yun ang nasa isip mo o kung sa tingin mo ay talagang hindi ka pa sure sa karelasyon mo na maging wife mo, huwag na huwag kang magpapakasal.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending