Matteo malaya nang dumalaw sa bahay nina Sarah, pero bantay-sarado pa rin | Bandera

Matteo malaya nang dumalaw sa bahay nina Sarah, pero bantay-sarado pa rin

Cristy Fermin - June 03, 2014 - 03:00 AM

MATTEO GUIDICELLI AR SARAH GERONIMO

Sa unang pagkakataon sa kanyang buong buhay ay ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Sarah Geronimo na maramdaman na siya’y tao at hindi basta isang gansa lang na nangingitlog ng ginto.

Maluwag na siyang nakapagsasalita ngayon tungkol sa kanyang lovelife, pinapayagan na siya ng kanyang mga magulang na namnamin ang buhay ng isang dalagang tulad niya, ang lahat ng ito ay dahil kay Matteo Guidicelli.

Dati kasi ay “bird in a golden cage” ang tawag ng marami kay Sarah, sikat nga siya at mapera, pero malungkot naman ang kanyang puso dahil sa sobrang paghihigpit ng kanyang mga magulang.

Kunsabagay ay ano ba naman ang ikatatakot ng mga magulang ni Sarah kay Matteo, hindi siya kailangang gamitin ng guwapong aktor, dahil bago pa pumasok sa showbiz ang binata ay meron na itong maipagmamalaking karangalan sa car racing.
Lalong hindi kayamanan lang ni Sarah ang hahangarin ni Matteo dahil kilalang-kilalang buena familia ang kanyang angkan sa Cebu. Hindi nito kailangan ang pera ni Sarah, tapat ang pagmamahal ng aktor sa singer-actress.

Nakakatuwang malaman na malaya nang nakadadalaw si Matteo sa bahay nina Sarah, nakalalabas din sila paminsan-minsan, pero may kasamang PA si Sarah kundi man ang kanyang tatay.

Sa laki na ng naitulong ng dalaga sa kanyang pamilya, sa tindi ng pagtatrabaho niya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa mga kadugong tinutulungan niya, ang kalayaan para magmahal na lang ang pinakamasarap na premyong puwedeng ibigay sa singer-actress ngayon.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mga mata ni Sarah ngayon, inspirado siya, maraming salamat sa isang Matteo Guidicelli na nagparamdam sa dalaga ng isang tunay na pagmamahal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending