Eric sinigurong may makukuhang mana si Zsa Zsa mula kay Dolphy | Bandera

Eric sinigurong may makukuhang mana si Zsa Zsa mula kay Dolphy

Jobert Sucaldito - June 01, 2014 - 03:00 AM


Naguguluhan kami sa mga issue on Zsa Zsa Padilla – kasi iba-iba ang naririnig naming stories on her and her present loved one. Yung una ay masaya raw ang pamilya Quizon (mga anak ni Tito Dolphy) dahil natagpuan na raw ni Zsa Zsa ang lalaking muling nagpatibok ng puso niya.

Kasi nga, 23 years ding nagsalo sina Zsa Zsa at Pidol sa kaligayahan pero since wala na nga ang Comedy King ay kailangan ding mag-move on ni Zsa Zsa.

Kasama sa kuwentong ito ang pantay-pantay na hatian daw ng naiwang kayamanan ni Tito Dolphy – since 18 daw silang magkakapatid, nag-agree silang lahat that all the properties will be equally divided to 19 – one part of which ay kay Zsa Zsa.

There’s another story raw na kumakalat ngayon, na imbyerna raw ang magkakapatid na Quizon dahil mula nang matagpuan ni Zsa Zsa ang bago niyang boyfriend, isa-isa na raw inaalis ng Divine Diva ang mga kagamitan ni Tito Dolphy sa kanilang tahanan.

Parang nagpi-prepare na siya sa bagong kabanata ng buhay-pag-ibig niya setting aside all of Tito Dolphy’s memories.
In addition, may pressure daw sa mga anak ni Tito Dolphy na ilipat siya ng libingan, how true? Si Zsa Zsa daw ang gustong ipalipat na ang mga labi ni Tito Dolphy kaya ang mga Quizon ay nagri-raise ngayon ng pera para mabayaran ang loteng paglilipatan ni Tito Dolphy sa Heritage Park.

Parang nakakalungkot naman ang balitang ito. Hindi namin tuloy mabatid kung ano talaga ang totoo sa mga balitang ito about them. Ang alam ko, si direk Eric Quizon ang naka-assign para ayusin ang kanilang mana kaya malaking responsibilidad ang naatang sa kanya.

Ayon sa narinig ko, inaayos pa rin nila ang nasabing usapin, pero siniguro daw ni direk Eric na mapupunta kay Zsa Zsa ang para sa kanya, sabi pa nga ng anak ni Pidol, “Kumbaga parang understood na ‘yon na Zsa Zsa will always be part of the family.”

Nilinaw din ni Eric na walang conjugal properties ang kanyang ama at si Zsa Zsa dahil hindi nga sila kasal. Kaya ang dialogue raw ni direk ay, “Kung ano yung kay Zsa Zsa, kay Zsa Zsa.

Kung ano sa daddy ko, sa daddy ko. So, maayos talaga.” Sana nga, maging maayos ang gagawing hatian sa mga ari-arian ni Mang Dolphy para walang gulo, di ba?

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending