Rhodora X ni Jennylyn may pasabog sa ending | Bandera

Rhodora X ni Jennylyn may pasabog sa ending

Ervin Santiago - May 30, 2014 - 03:00 AM

MARK HERRAS AT JENNYLYN MERCADO

Siyempre, tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado dahil halos apat na buwang namayagpag ang GMA TeleBabad series nilang Rhodora X kasama sina Mark Herras, Yasmien Kurdi at Mark Anthony Fernandez.

Aminado si Jennylyn na buwis buhay din ang ginawa nila sa Rhodora X, lalo na siya dahil sa multiple character na ginampanan niya. Pero aniya, nawawala ang lahat ng pagod at stress nila kapag naririnig at nababasa ang magagandang feedback sa kanilang programa.

Bukod sa maiinit at madadramang eksena ng teleserye, marami ring natutunan ang Kapuso viewers sa sakit ni Jennylyn sa serye, ang Dissociative Identity Disorder (DID), kung ano talaga ang illness na ito at kung anu-ano ang posibleng maging epekto nito sa buhay ng pasyente at ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Sey nga ni Jen, kahit siya ay maraming nadiskubre sa Rhodora X, “Ikaw ba naman ang magkaroon ng tatlong magkakaibang personality (Rhodora, Roxanne at Rowena), minsan nga, nalilito na rin ako, e! But it was a very challenging project, as in hinding-hindi ko siya makakalimutan sa buong buhay ko,” ani Jennylyn.

Marami ang nagsasabi na malaki ang laban ng aktres sa susunod na award giving season para sa telebisyon dahil sa ipinakita niyang acting sa nasabing serye. Siyempre, hindi rin nagpahuli ang mga kasama niya sa show na sina Yasmien, Mark at Mark Anthony, pati na rin ang bagong Kapuso actor na si Martin del Rosario na pumasok sa soap ilang araw bago nga ito magtapos ngayong gabi.

At sa ending ng buhay ni Rhodora, marami pang kailangang abangan ang viewers, pati na rin kina Angela, Joaquin, Nico at Martin. Gagaling pa kaya si Rhodora? Maaayos pa kaya ang kanilang pamilya?

Ano ang magiging huling pasabog ni Rhodora para sa mga sumusubaybay sa kanyang masalimuot na buhay? Tutukan ngayong gabi sa final episode ng Rhodora X after Kambal Sirena sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending