Compton swak sa Alaska | Bandera

Compton swak sa Alaska

Barry Pascua - May 28, 2014 - 02:42 PM

KAHIT paano’y mabigat kaagad ang pressure sa balikat ni Alex Compton sa kanyang unang game bilang head coach ng Alaska Milk noong Lunes kontra sa Talk ‘N Text.

Hinalinhan ni Compton bilang head coach ng Aces si Luigi Trillo na nagbitiw sa pusisyon matapos ang dalawang games sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup.

Nagwagi ang Aces kontra sa San Miguel Beer, 94-87, sa kanilang unang laro subalit natalo sa Globalport, 95-91. Isang araw lang ang naging ensayo ni Compton bilang bagong bench tactician ng Aces at pagkatapos ay sabak na kaagad sila kontra sa Tropang Texters na alam naman ng lahat na isang powerhouse team.

Hindi nga ba’t galing sa Finals ng nakaraang Commissioner’s Cup ang Tropang Texters? Buweno, bukod sa pressure ng pangangailangan ng unang panalo at magandang ‘first impression.’

Aba’y nadoble na ang bigat sa balikat ni Compton. Kasi biglang na-llamado ang Alaska Milk sa Talk ‘N Text. Walang import ang Tropang Texters dahil sa hindi pinayagang maglaro si Othyus Jeffers na mayroon pa palang existing contract sa Estados Unidos.

Walang import ang Talk ‘N Text at may import ang Alaska Milk sa katauhan ni Henry Walker. So, kailagang manalo ang Aces! Nakakahiya naman kung tatalunin ng isang koponang walang import ang Alaska Milk!

Iyon ang pressure! Pero nalusutan ni Compton ang lahat “with flying colors.” Nanalo ang Alaska Milk, 103-91, para sa 2-1 record.
Masagwa man ang naging panimula ng Aces na nilamangan ng Tropang Texters ng 12 putos sa first quarter ay nakabawi sila at naidikta nila ang laban sa second half.

“It was obviously a clear advantage for us. Mahirap yung sitwasyon ng Talk ‘N Text dahil sa nawalan sila ng import,” ani Compton. Hindi naman talaga estranghero si Compton sa PBA dahil nagsilbi siyang assistant coach ng Welcoat at Powerade (ngayo’y Globalport) bago nalipat sa Alaska Milk.

At bago iyon ay naglaro siya sa Metropolitan Basketball Association. Star player siya ng Manila Metrostars na hinawakan ni coach Louie Alas na ngayon ay asssitant coach niya sa Aces.

“Marami akong natutuhan kay coach Louie. Sa Metrostars ay triangle na kami, e. So, yun pa rin dito sa Alaska Milk. Hindi naman puwedeng baguhin kaagad iyon.

Isang araw pa lang ako, e. Maikli ang torunament. Difficult to change the system at once,” ani Compton. Idinagdag niya na marami pa siyang kailangang matutunan.

“Hindi naman ako ganoong karunong, e. Kailangan ko ng tulong buhat sa lahat, sa mga assistants ko, sa mga players, sa management. Tulung-tulong naman itong trabahong ito,” aniya.

Kung mapapansin ay halos matatas si Compton magsalita ng Tagalog at hindi tulad ng ibang Fil-Am players na kung ilang taon na nandito sa Pilipinas pero kaunting salitang Pinoy lang ang alam.

Kasi, si Compton ay ipinanganak sa Pilipinas. Ang asawa niya ay Dabawenya. Kaya naman walang tutol ang Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) sa pagkakanombra sa kanya bilang head coach sa PBA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Welcome to the club!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending