Texters ipaparada ang bagong Import | Bandera

Texters ipaparada ang bagong Import

Barry Pascua - May 28, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Alonte Arena,  Laguna)
5:45 p.m. San Miguel Beer vs. Barako Bull
8 p.m. Rain Or Shine vs. Talk ‘N Text

MAGPAPARADA ng bagong import ang Talk ‘N Text sa hangaring makabangon sa laban kontra Rain Or Shine sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Sa unang laro sa ganap na alas-5:45 ng hapon ay tutudlain ng San Miguel Beer ang ikatlong sunod na panalo kontra Barako Bull.
Kinuha ng Tropang Texters si Rodney Carey bilang kahalili ni Othyus Jeffers na gumawa ng 38 puntos sa kanilang 105-99 panalo kontra Meralco.

Subalit hindi nakapaglaro si Jeffers laban sa Alaska Milk noong Lunes dahil nadiskubreng may live contract  pa ito sa Estados Unidos. Natalo ang Talk ‘N Text sa Alaska Milk, 103-91.

Sinikap punan ni Ranidel de Ocampo ang pagkawala ni Jeffers nang magtala ito ng 27 puntos laban sa Aces. Nagdagdag ng 23 si Jayson Castro at 13 si Kelly Williams subalit nabigo pa rin ang Tropang Texters.

Sa pangunguna ni Arisona Reid na nasa ikatlong torneo niya sa Elasto Painters ay dinaig ng Rain Or Shine ang Globalport, 119-97, noong Linggo. Ang Elasto Painters ay natalo sa kanilang unang dalawang games laban sa Air21 (103-96) at San Miguel Beer (97-92).

Si Reid ay sinusuportahan nina Gabe Norwood, Jeff  Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Arana. “Our objective is to make it to the top four. Hindi kami pwedeng mangarap ng masyadong mataas. Kailangan isa isahin muna namin,” ani  Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.

Ang San Miguel Beer ay may 2-1 record. Natalo ang  Beermen sa Alaska Milk, 94-87, bago nagwagi kontra Rain or Shine. Noong Linggo ay naungusan nila ang San Mig Coffee, 92-90.

Ang Barako Bull, na ngayo’y hawak ni head coach Bethune “Siot” Tanquingcen, ay nagwagi kontra Meralco, 95-94, sa unang laro nito. Pero matapos iyon ay natalo ang Energy sa San Mig, 76-66, at Air21, 101-86.

Sa import match-up ay magduduwelo sina Reggie Williams ng Beermen at Eric Wise ng Energy.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending