Takot manligaw (2) | Bandera

Takot manligaw (2)

Joseph Greenfield - May 27, 2014 - 01:32 PM

Sulat mula kay L.S., ng Kiamba, Sarangani
Problema:
1.      Hindi pa ako nakatitikim ng babae kaya madalas akong inggitin ng dabarkads.  Iniinggit din ako ng mga dabarkads na nakapangasawa ng magaganda at naging maligaya at masagana ang pamumuhay.  Ngayon ay nag-aaral ako at crush ko ang kaklase kong sexy at maganda.
2. Pero, nahihiya na ako kapag lumalapit na sa kanya at nagtatanong para simulan ang kuwentuhan.  Ang nangyayari, hanggang isang tanong na lang ako.  Isa pa, natatakot ako na baka ako’y mabigo sa unang panliligaw.  Baka ako’y pagtawanan at mapahiya.  Compatible kaya kami?   Ipinanganak siya noong Dis. 13, 1995.  Ang birthday ko at Agosto 2, 1997.
Umaasa,
L.S., ng Kiamba, Sarangani
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing crush mo ang nagsasabing compatible kayo, kaya sa sandaling nilakasan mo ang iyong loob na maipabatid sa kanya, sa anumang paraan ang iyong damdamin, tiyak ang magaganap susuwertehin ka, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing katugma mo rin sa Numerology ang babaing crush mo. Kung saan, sa sandaling kayo ay magkaroon ng relasyon, isang romantiko at masayang samahan ang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang mag-succeed ang iyong plano na maging GF ang babaing crush mo  lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Sa nasabing kulay, wala siyang magagawa kundi ang kusa ka na rin niyang magustuhan.
Huling payo at paalala:
L.S., suwerte ka sa panahong ito sapagkat ito na ang simula upang matupad ang mga pangarap mo lalo na sa love life. Tulad ng nasabi na, sa buwan ding ito  magiging girlfriend mo na ang classmate mo na crush na crush mo, upang minsan pa sa sandaling naging magkasintahan na kayo, mabubuo ang maligaya at panghabambuhay na relasyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending