Boy sa tatay ni Terence: Ingat-ingat lang sa pananalita, aping-api na po ang mga bakla! | Bandera

Boy sa tatay ni Terence: Ingat-ingat lang sa pananalita, aping-api na po ang mga bakla!

Ervin Santiago - May 27, 2014 - 03:00 AM


NA-OFFEND ang host ng The Buzz 15 na si Boy Abunda sa mga naging pahayag ng tatay ng basketball player na si Terence Romeo kaugnay ng tsismis na nagkaroon ng relasyon ang kanyang anak at si Vice Ganda.

Nagsalita raw kasi si William Romeo, ang tatay nga ni Terence, na tila may patama sa mga bading. Lumalabas kasi sa naging statement ng ama ng cager na hindi siya natutuwa sa tsismis na naging lovers sina Vice at Terence na parang kino-condemn nito ang pagiging beki ni Vice.

At ito nga ang hindi nagustuhan ni tito Boy, na kilala naman nating isa sa mga tagapagtanggol ng mga bakla at tomboy sa bansa. Sabi ni tito Boy sa The Buzz, “This is not just about Vice Ganda, parang ako, nakakapikon.

Nakakapikon dahil yung usapin na…personal po ito. “There was a time na ipinaglalaban ho namin ang ekuwalidad, ipinaglalaban ho namin yung anti-discrimination bill.

Ipinaglalaban ho namin ang paggalang na ibigay sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community. Don’t get me wrong, I respect the father of Terrence Romeo…I don’t know Terrence personally.

“Mr. William (Romeo), I respect you, but I don’t respect your opinion. Iyong sinabi na pinalaki mo nang maayos ang iyong anak at para lumayo doon sa hindi mabuti, is that about in reference na hindi mabuti sa gays?

“Kayo po ay nagkakamali dahil hindi po tantamount, hindi po equivalent ang hindi po pagiging mabuti sa isang bakla—that’s unfair. That’s totally unfair at nakakasakit po ‘yan sa amin.

“Ang sakit…ang sakit pakinggan. Kanina, noong sinasabi mo yung tungkol sa mga condominium units, Hummer, so what kung magbibigay ka? But, kailangan pa ba ni Vice Ganda ‘yan? This is not about Vice and Terrence, this is about LGBT community.

“Sana po, ingat-ingat sa ating pananalita, dahil sobrang aping-api na po ang mga bakla, ang mga tomboy, ang mga transgender, ang mga bisexual dito sa Pilipinas,” tuluy-tuloy na pahayag ng TV host.

“Kung ang Santo Papa nga ho, nagsasabing if a gay person seeks the Lord and has good will…This is the line that I want you to understand, ‘Who am I to judge?’

“Pagdating sa pag-ibig, ito’y paulit-ulit ko pong sinasabi, si (Barack) Obama nga ho, ang sabi niya, ‘I am indeed created equal.’ Kung tayo ho ay pantay-pantay sa isa’t isa, ang pagmamahal na ibinibigay natin sa isa’t isa must be equal as well.

“Parang yung pagmamahal ng isang bakla ay pantay sa pagmamahal ng lalaki at babae sa isa’t isa. Yun lang po ang medyo masakit,” sey pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to boy aunda official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending