HANGGANG ngayon ay tawa pa rin nang tawa si Kris Aquino sa hulang magkakaanak daw siya kay Coco Martin ngayong 2012, imposible raw itong mangyari ayon sa TV host-actress.
Tinanong namin si Kris kung bakit sa dinami-rami ng lalaki ay kay Coco pa siya magkakaroon ng anak? May pagsasamahan ba silang proyekto pagdating ng araw?
Nagkakasama ba sila sa lakaran para iugnay sila sa isa’t isa ng isang manghuhula?
“Naku, feeling ko, nadaan lang sa Guadalupe si Robert, the psychic at nakita niya ‘yung Bench (billboard na magkasama sila ni Coco),” mabilis na sagot ni Tetay.
Pero kahit kami ay nagtaka kung bakit silang dalawa ni Coco ang magkasama sa nasabing billboard samantalang ‘yung ibang naka-display along EDSA ay magkakapamilya ang konsepto tulad nina Richard Gomez, Lucy Torres at anak nilang si Juliana at ang ex-couple na sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Edu Manzano at anak nilang si Luis.
Sa madaling salita, out of concept ‘yung billboard nina Kris at Coco at ang pabirong sagot ni Kris sa amin, “Sige, gawin na lang nating true ang hula! Ha-hahaha!”
Diretsong tanong namin sa kanya ay kung type ba niya si Coco, “No, Reggs, kalurks!”
I’m sure, hindi rin naman siguro tipo ni Coco si Kris lalo’t nirerespeto niya ang TV host-actress, bukod pa sa malayo ang agwat ng edad nila.
Pero nagtataka kami dahil may Boracay Island trekking si Kris simula bukas (Huwebes) hanggang sa Sabado pero uuwi raw siya kinagabihan dahil may premiere night ang seryeng Walang Hanggan na eere na sa Lunes.
Di ba bossing Ervin, kasama si Coco sa Walang Hanggan? He-hehehe! (Ha-hahaha! Ipilit talaga, ate? Kalurks ka Reggs! – Ed)
Speaking of Boracay ay gusto raw mag-exercise ni Kris sa nasabing island kaya siya pupunta bukas kasama ang kanyang personal assistant na si Alvin Cagui at make-up artist na si Jonathan, “I’m going to be physically fit! Will go to Boracay, we’ll attempt daily trekking and walks sa beach na (hopefully) maka-8 to 10 kms per day,” say nito sa amin.
Tinanong namin kung bakit sa dami ng beach ay sa Boracay pa? “I chose Boracay kasi magpapa-spa din ako.
Hilot and water therapy. I read book for wellness, if you start exercising surrounded by nature, may psychological effect na each time you exercise, may sense of peace. So let’s see,” kuwento pa ng TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.