Cristine Rayver nagpakasal sa US? | Bandera

Cristine Rayver nagpakasal sa US?

- January 10, 2012 - 02:18 PM

MARAMING bumilib sa pagiging professional ni Rayver Cruz dahil kahit pagod galing sa biyahe mula New York ay dumiretso agad siya sa premiere night ng pelikulang “A Mother’s Story” na pinagbibidahan ni Pokwang na ipinrodyus ng TFC released through Star Cinema.

Isa si Rayver sa cast ng pelikula at nangako siya na dadalo siya sa premiere night kahit ma-late siya na tinupad naman ng binata.

Matatandaang umalis patungong New York si Rayver kasama ang girlfriend na si Cristine Reyes nu’ng Dis. 30 para doon mag-celebrate ng Bagong Taon, partikular sa Times Square kung saan nakasama rin nila sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.

Sabi nga ng taong malapit kay Rayver, “First time in 22 years na hindi nakasama ni Rayver ang pamilya niya ng Bagong Taon at si AA (palayaw ni Cristine) ang kasama.”

Pinayagan naman daw si Rayver ng mommy niya kaya siya nakaalis ng bansa, pero kung hindi raw ay hindi naman magpipilit ang aktor dahil nga masunurin itong anak at kapatid sa mga kuya niya.

Diretso rin naming tinanong ang ating source tungkol sa mga haka-hakang nagpakasal sina Rayver at Cristine sa US, “Ay hindi kasi sa New York lang naman sila nagpunta, hindi naman nakarating ng Las Vegas

Saka magkakasama sila sa lahat ng lakad nina Bea at Zanjoe. Ang sweet-sweet nga raw nina Zanjoe at Bea, eh,” mabilis na sagot sa amin.

Supposedly, sasabayan ni Rayver si Cristine pabalik ng Pilipinas sa Jan. 16, pero dahil sa “A Mother’s Story” premiere night at sa promo ng pelikula ay kinailangang bumalik agad ng aktor sa Pilipinas bukod pa sa may taping siya kahapon para sa Maalaala Mo Kaya.

Samantala, base sa mga hula kina Rayver at AA, mabubuntis daw ang huli at mauuwi sa kasalan kaya pinapanalangin ng mga taong malalapit sa dalawa na sana huwag daw muna dahil sayang naman ang kanilang mga career.

Oo nga, pareho pa silang breadwinner, dapat i-enjoy na lang muna kung ano ang meron sila ngayon.

“Mas mahal ni Rayver si AA kaysa noon kay Sarah (Geronimo) kasi mas may bonding sila kaysa kay Sarah.

Saka kita mo nga, hindi naman itinatago ni Rayver na sobrang mahal niya si AA,” say pa sa amin ng taong malapit sa aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending