Buong-tapang na sinabi ng isang manghuhula
“Humanda ka Rodel (tunay na pangalan ni Coco Martin)! Ito ang tanging nasabi ni Kris Aquino ng malaman ang hula na mabubuntis daw siya ng aktor ngayong taon.
Ayon kay Kris, tanging ang manghuhulang ito rin ang nanghula na lalaki ang magiging panganay nila ni James Yap at si Bimby nga iyon.
At nahulaan din daw nito na magkakahiwalay sila ng basketbolista.
Marami naman ang nagulat sa hulang ito dahil paano nga namang mangyayari na mabubuntis ni Coco si Kris, e, wala naman silang relasyon at higit sa lahat, hindi naman nila tipo ang isa’t isa bukod pa sa malaki ang respeto ng aktor sa TV host-actress.
Mangyayari lang siguro ito kapag pareho silang lasing at nakalimot sa kanilang mga sarili. E, sa pagkakaalam namin ay hindi umiinom si Kris? Anyway, ano naman kaya ang masasabi ni Coco sa hulang ito sa kanila ni Tetay?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.