‘Lahat ng pangako ni Kris Aquino sa bayan napako!’ | Bandera

‘Lahat ng pangako ni Kris Aquino sa bayan napako!’

Jobert Sucaldito |May 18,2014
facebook
share this

‘Lahat ng pangako ni Kris Aquino sa bayan napako!’

Jobert Sucaldito - May 18, 2014 - 03:00 AM


PARANG wala nang katapusang Kris Aquino issues ang gumugulantang sa atin araw-araw – lahat ng kibot niya ay napag-uusapan talaga. Pero kaiba lang ‘yung style niya – normally, pag sikat ka totoo naman talagang lahat ng kilos mo ay binabantayan at talagang nagiging news.

‘Yung sa kanya ay different, kahit wala namang pumapansin sa mga kibot niya, siya ang nagpapakalat at nagpa-publicize just to make sure na hindi siya nawawala sa limelight. In short, she is her best publicist nga, napansin ninyo?

“Ikumpara mo ‘yung sa kanya sa panahon nina Nora Aunor at Vilma Santos na undeniably ay pinakasikat during their generation – halos hindi makalabas ng bahay ang dalawang stars natin dahil dinudumog talaga sila at bawat galaw nila ay minamanmanan ng mga tao and they become news.

“Pero kay Kris kakaiba, siya mismo ang naglalagay ng mga issues niya sa social media, and she offers her stories to every reporter around. And take note, wala yata siyang tinupad sa major promises niya.

“Remember nu’ng bago maupo si P-Noy sa Malacañang, sinabi niyang she will not be doing talkshows until her brother steps down from office. Anong nangyari? Left and right ang ginawa niyang talkshows, sa kasalukuyan she has three na – KrisTV, Abunda And Aquino Tonight and ngayong araw ay balik siya sa The Buzz.

Iyon ba ang merong isang salita? Sabi niya dati when she left The Buzz before, she wanted her Sunday back dahil kailangan daw niyang maglaan ng oras para sa mga anak niya.

Nangyari lang iyon for a while pero ano ngayon? Balik din siya sa The Buzz. “Iyan ang babaeng walang kakuntentuhan. Iyan ang babaeng gusto niya kanya na lahat. Kaya nakakawalang-amor talaga.

Ngayon ay meron na naman siyang pronouncement – na after her birthday sa 2015 ay magpapakasal na siya at may pahabol pa siya, ang lalaking pakakasalan niya ay pang-forever na raw.

Ang tanong, may lalaki bang tatagal sa kanya? Sa ugali niyang iyan, sa palagay ba niya ay makakabingwit siya ng isang lalaking tunay na magmamahal sa kanya for the rest of her life? Iyan ang tunay na dapat taguriang Pambansang Echosa ng Pilipinas.

Ha-hahaha!” anang isang bading sa gaybar. Kami ay hindi na nasa-shock sa mga kadramahan ni Kris. Hindi na bago sa amin ang mga kaeklayan niya. Iyan yata talaga ang nakaguhit sa mga palad niya kaya hindi na kami nagtataka.

Tulad nitong huli niyang pagpasok sa The Buzz, matagal na naming naririnig ito na gusto niyang bumalik sa show kaya lang tinamaan yata siya ng hiya for a while dahil nakunsiyensiya yata siya ng 1% na baka merong ma-displace sa show pag pumasok siya.

Kasi nga, kahit during our time, one of the reasons kung bakit kami tsutsugihin sa show noon dala raw ng cost-cutting.
Kaya nagpasya kaming kami na lang ang mag-resign bago kami sibakin.

Better that way, di ba? Hindi gaanong masakit kaysa ikaw ang tinanggal. Pero ngayong babalik na si Kris this afternoon, what happens to Carmina Villaroel and Janice de Belen then? Someone whispered to me that they will be assigned to some soaps, I don’t know kung tama ang dinig ko that the two’s contracts expired na sa talk department.

Kumbaga, hindi lang sila ni-renew. Kinausap daw si Kris ng management na bumalik sa The Buzz. And definitely Kris gets paid like anything. Nasaan ang cost-cutting diyan, aber? Ha-hahaha!

Anyway, ganoon talaga ang buhay. Kris gets nga what she wants. Kasi nga, babalik pa rin tayo sa lumang kuwento that if not for the Aquinos ay hindi maibabalik ang ABS-CBN sa mga Lopezes – the utang na loob syndrome kumbaga.

Speaking of The Buzz, mas okay na ito sa Buzz Ng Bayan. Kasi nga, para lang isang segment ng show ang Buzz Ng Bayan, di ba? Ang aabangan na lang natin ay kung saan mapupunta sina Carmina at Janice.

Siyempre, linis-linisan na naman si Kris dito, na hindi siya ang dahilan kung bakit nawala ang dalawa. Ang point lang namin, if she really cares about the two losing their job sa The Buzz, kung totoong she really wanted her Sundays back dahil gusto niyang i-devote ito sa pag-alaga ng dalawang anak niya, hindi sana niya tinanggap kahit anong pilit sa kanya.

Imagine, you see her twice a day on weekdays and one pa over the weekend (Sunday), bakit hindi na lang niya punuin ng talkshow buong linggo niya. Isama na niya ang Saturday para masabing super-busy talaga siya, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending