outbrain

Zsa Zsa, Eula, Dawn pipilitin ni Ai Ai na mag-join sa grupong ‘Pussykip Dolls’

By Ambet Nabus May 17,2014
share this

Zsa Zsa, Eula, Dawn pipilitin ni Ai Ai na mag-join sa grupong ‘Pussykip Dolls’

By Ambet Nabus May 17,2014 - 03:00 AM

AI AI DELAS ALAS , ZSA ZSA PADILLA AT DAWN ZULUETA

BONGGA talagang kausap si kagandahang Ai Ai delas Alas. Kapag pinagkakatiwalaan ka niya, talagang no holds barred sa kanya ang mga bagay-bagay at mga isyung kontrobersyal.

Bago pa man ang pormal na paglulunsad sa kanya ng Belo Medical Group bilang endorser ng kanilang FemiLift o mas tanyag sa showbiz ngayon bilang “pussykip”, very open na ang Comedy Concert Queen sa mga procedures tungkol sa kagandahan, kaseksihan at iba pa.

Matagal ng panahon ng “uso” at ginagawa ang tinatawag na “flower arrangement” o “landscaping” sa mga female celebrities natin na nagkakaedad na, pero ngayon lang ito ginawang “open” sa publiko with matching endorser pa. Nang usisain namin si Ai Ai hinggil sa posibleng reaksyon ng ilang konserbatibo at sa isyung hindi ba siya nahihiya na baka isiping sobrang luwang na ng kanyang tienes.

“Ha-hahaha! On the contrary, mas gusto ko pang pasikipan dahil sabi nga nila, tighter is better!” ang masaya at proud na tsika ni Ai Ai sa amin.

Aminin naman daw talaga nating maraming mga kababaihan diyan, lalo na yung nanganak na, na may ganitong problema sa kanilang pagkababae.

“Tama ka, siguro nahihiya lang sila kaya nga nagpapasalamat ako sa Belo dahil finally ginawa na nila itong open sa public. At hindi ako nahihiya na ako ang spokesperson ng femilift dahil una, talaga namang sinubukan ko na at winner ang result. Maghahanap pa nga lang tayo ng kauna-unahang susubok nito para masabi niyang tighter is it!” pag-amin pa ng ating kaibigang loveless pa rin daw hanggang ngayon.

Isang non-invasive procedure ang Femilift na tumatagal lang ng 10 minutes via laser procedure pero after three days pa bago ito maaaring subukan ng isang babae sa kanyang asawa o BF para daw masiguro na “feeling virgin” talaga. Nakakaloka di ba, kapatid na Ervin? Masubukan nga! Ha-hahaha!

Anyway, ang nasabing procuder nga ang nagpabalik kay Ai Ai sa Belo Medical Group at aliw na aliw nga siya sa mga papuri ni Dra. Vicki Belo na nagsabing hindi gasgas at parang pang-20 year old ang private part ng komedyana. Kuwela rin yung plano niyang magtayo ng grupo na tatawaging “Pussykip Dolls” at ilan nga sa mga kaibigan niyang taga-showbiz na type niyang i-encourage na gawin din ang ginawa sa kanya ay sina Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez at Dawn Zulueta, na mga kasamahan niya sa Dyesebel.

Siya raw ang magiging lider ng grupo at titiyakin daw niyang ang slogan nilang “tighter is better” ay bibigyan nila ng theme song, sabay birit ng improvised lyrics ng kantang “This Time I’ll be Sweeter” ni Angela Boffil: “This time it will be tighter, I know it’s gonna be better, I won’t let you down. You will feel it around baby…ohhhhhh…have faith in me, have faith in meeeee!!!” Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending