Mommy Dionisia kinabog ang mga debutante sa 65th b-day | Bandera

Mommy Dionisia kinabog ang mga debutante sa 65th b-day

Ervin Santiago |May 17,2014
facebook
share this

Mommy Dionisia kinabog ang mga debutante sa 65th b-day

Ervin Santiago - May 17, 2014 - 03:00 AM

DIONESIA PACQUIAO

KABOG ang mga celebrity debutantes sa 65th birthday celebration ng nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia noong Huwebes ng gabi sa General Santos City.

Walang ginawa ang mga bisita ni Pacmom kundi ang mag-enjoy lang at tumawa nang tumawa dahil sa mga pasabog ng birthday celebrator. Dinaig din ni Mommy D ang mga nag-debut sa showbiz this year dahil tatlong beses siyang nagpalit ng gown that night.

Pero ang isa sa mga naging trending topic sa party ay ang escort ni Mommy Dionisia noong gabing ‘yun na nakilalang si Michael. Ang chika kasi, ito raw ang bagong boyfriend ng nanay ng Pambansang Kamao. Nagtilian nga ang mga bisita sa event nang tuksuhin ng kanyang anak si Pacmom tungkol sa lovelife nito.

Agad naman itong nilinaw ni Mommy D at sinabing family friend lang daw nila si Michael at hindi niya ito boyfriend.
Bukod dito, winner na winner din ang performance ni Mommy D (ballroom dancing) with her dance instructor. Pero mas naging wild ang mga bisita nang kantahin uli ni Pacmom ang version niya ng “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus na una nang nag-trending worldwide nu’ng gawin niya ito sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Na-touch naman ang lahat ng nasa party nang batiin si Mommy D ng kanyang 92-year old na nanay na sobrang saya raw para sa anak. Wish niya kay Mommy Dionisia, sana raw ay humaba pa ang buhay nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending