Tumutulong sa kapwa may magandang karma | Bandera

Tumutulong sa kapwa may magandang karma

Ramon Tulfo - May 17, 2014 - 03:00 AM

YUNG drive-by shooting sa Quezon City na ikinasawi ng lima katao ay hindi sana malulutas kung hindi sa isang witness na nagreport sa pulisya.

Itinuro ng witness si Alsaid Mindalano na driver ng motorsiklo na ginamit sa drive-by shooting.

Ang kasama ni Mindalano na siyang namaril habang minamaneho niya ang motor ay si Mohammad Sandigan.

Di pa nahuhuli si Sandigan.

Dapat ay bigyan ng medalya o pabuya man lang ang witness na one in a million.

Sa aking karanasan sa aking public service program na Isumbong mo kay Tulfo, ang mga Pinoy ay walang sense of civic duty kapag sila’y nakakita ng krimen.

Kapag ang isang crime victim ay dumulog sa amin at sinabi niyang may mga nakakita nang siya’y maging biktima ng krimen, pinapupunta ko o ang aking mga “angels” sa mga taong nabanggit at kukumbinsihin na maging testigo.

Karamihan ng mga sagot sa amin ay “ayaw kong madamay,” “marami akong trabaho upang tumestigo sa korte,” “natatakot kami dahil makapangyarihan ang gumawa ng krimen,” “bakit naman ako tetestigo, di ko naman kaanu-ano ang biktima?”

Ang hindi alam ng mga taong ayaw tulungan ang biktima ng krimen sa pamamagitan ng pagtestigo ay darating ang araw na sila rin ang magiging biktima ng krimen.

At wala silang maaasahan na tutulong sa kanila.

Ang taong nakakita ng isang krimen at ayaw tumestigo ay para na ring kinunsinte ang krimen. Ang kanilang kasalanan ay
kasing bigat ng kasalanan ng kriminal.

Pagdating ng araw, ipapakita sa kanila ng Sanlibutan (Universe) ang pait na dinanas ng biktima ng krimen na di nila tinulungan.

Ganoon ang karma.

Maraming taon na ang nakalipas nang nasaksihan ko ang dalawang security guards na binaril ang isang kotse na may lulan na dalawang teenagers dahil lamang sa argumento tungkol sa parking ticket.

Napag-alaman ko na ayaw tanggapin ng kahera sa pay counter ang ticket dahil punit ito. Sinabi ng driver na ganoon ang binigay sa kanya.

Nang ayaw tanggapin ng kahera ang ticket, binitiwan ng driver ang ticket at ang perang pambayad sana at tumakbo na.

Binaril ng dalawang security guards ang kotse na may sakay ng dalawang teenagers, isang lalaki at kanyang girlfriend.

Nakita ko na mali ang kahera at mga guwardiya. Bakit sila mamaril na lang, di naman carnapper ang bata?

Tumestigo ako sa korte laban sa dalawang guwardiya kahit na di ko kilala ang mga biktima.

Nahatulan ng ilang taong pagkabilanggo ang dalawang guwardiya dahil sa aking testimonya.

Kasama ko noon ang aking anak na mga walong taong gulang pa lamang.

Tinanong niya ako kung bakit tinutulungan ko ang mga taong di ko kilala.

Natatandaan kong si-nabi ko sa kanya, “Anak, kapag ikaw ay nagipit balang araw, inaasahan ko na may tutulong sa iyo.”

Naging prophetic o nagkatotoo ang aking sinabi sa kanya dahil makaraan ang ilang taon, nahulog sa bangin ang kotse na minamaneho ng aking anak sa highway sa Tarlac.

Maraming tao ang tumulong sa kanya at kanyang dalawang kasama na mailabas ng kotse na complete wreck.

Napangiti ako nang mabasa ko ang item tungkol kay Mommy Dionisia, nanay ng world boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sabi ni Mommy Dionisia, marami pa raw nanliligaw sa kanya kahit na 65 years old na siya.

Ibig niyang sabihin, may asim pa siya.

Di lang asim, matamis pa siya sa kanyang mga manliligaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matamis, dahil gusto nila siyang maging sugar mommy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending