Isang kaibigan naming propesor sa isang kilalang pamantasan ang tumawag sa amin, hindi raw ito makatulog, binabagabag daw ito ng isang problemang kung tutuusin ay hindi naman kanya.
Bungad nito, “Alam mo, kinikilabutan pa ako hanggang ngayon. Actually, hindi ko naman ito problema, pero bakit nga ba ako ganito? Siguro, dahil Pinoy ako, kaya ganito ang nangyayari sa akin.
“Hanggang ngayon kasi, e, hindi ko maihanap ng reason kung bakit ganyan ang nangyayari sa pamilya Barretto. Parang magkakaibang tao sila, parang walang dugong nag-uugnay sa kanilang magkakapatid.
“Imagine, kung pagsalitaan ni Claudine sina Gretchen at Marjorie, e, parang wala lang. Parang hindi siya ang bunso, parang mas nakatatanda pa siya sa mga sisters niya!
“Ang mga kapatid niya naman, e, parang nagtutulong-tulong na para i-down siya. But my question is, nasaan ang parents nila habang ganito ang nangyayari sa kanilang magkakapatid?
“I’m sure, alam naman nila ang pagsasagutan ng mga anak nila, di ba? Ano ang ginagawa nila to put a stop to their children’s fight? Nakakaloka sila, para silang hindi magkakadugo!” mahabang komento ng kaibigan naming propesor.
Mahirap talagang ihanap ng dahilan at katwiran ang mga nagaganap ngayon sa magkakapatid na Barretto pero sabi nga ng isang kaibigan nila, maraming taon daw ang kailangan nating balikan para malaman natin kung bakit nagkakaganyan si Gretchen sa kanyang ina, kung bakit mas kampi si Mommy Inday Barretto kay Claudine.
Pero sa totoo lang, totoong-totoo ang pagpansin ng ating mga kababayan na parang hindi nakatungtong sa eskuwelahan ang magkakapatid sa mga ginagawa nilang tungayawan, parang hindi raw sila nasubaybayan nang husto ng kanilang mga magulang habang lumalaki sila.
Masakit tanggapin ‘yun, pero hindi natin mapipigilang magkomento ang mga nanonood lang sa kanilang bangayan, pero dahil sila ang sangkot sa kontrobersiya ay sila lang din ang makagagamot sa problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.