Ai Ai: Ayoko nang may asawa, ang gusto ko batang dyowa!
HUMARAP sa entertainment press si kafatid na Ai Ai delas Alas the other day para ikuwento ang masayang experience sa FemiLift – isang procedure ng Belo Medical Group para magpa-tighten ng kaniyang private part.
Ito yung tinatawag sa layman’s term na “pussykip”, isang uri ng landscaping for women para maibalik ang napunit nilang organ after giving natural births.
The topic we have now is sexual in nature pero walang malisya dapat. It’s very medical and it has to create a decent awareness para sa kababaihan. Pag-usapan natin ito ng may malawak na kaisipan, OK?
“Kasi nga, pag nanganak ka na, like me, nakatatlong natural births ako, yung vagina ay nai-stretch. Maliit lang naman ang baby pag lumabas sa puwerta pero hindi talaga kakayanin ng normal lang na pag-ire, effort talaga.
Kaya natural na lumalaki ang butas and mahirap nang ma-restore afterwards.”Kaya masaya ako nang i-offer sa akin itong Femilift para ma-tighten yung sa amin.
Kasi nga, pag masyado nang maluwag, hindi mo na ma-feel ang sensation pag nagmi-make love kayo ng partner o ng asawa mo.
“Ang maganda rito sa procedure ng Belo ay painless. Laser lang ang ginagamit.
Hindi siya masakit and 10 minutes lang tapos na. Natakot ako nu’ng una kasi ayoko talaga ng surgical. Pero since painless naman daw, go ako.
“And tama nga, napakasarap ng feeling afterwards. Kaya masuwerte na naman ang kung sinumang makauna sa akin after the procedure kasi parang virgin na naman ako.
Ha-hahaha!” biro ni Ai Ai na talaga namang kailangan talagang gawin ng kababaihan out there na gustong magpa-retouch ng kanilang organ.
Hindi naman ito nakakahiya dahil every woman desires to be exciting sa kanilang mga husbands after giving birth, di ba? You have to keep every moment alive, bah! You have to excite your man para hindi ito maghanap ng iba.
In a way, malaking tulong talaga ito sa mga babae. “Me ganyan na before pa kaya lang surgical nga at may sakit factor. But ours kasi is painless, iyan ang bagong technology.
Kaya mas marami ang interested with this procedure now dahil safe na safe sila at wala silang maramdamang sakit,” paliwanag naman ni Dra. Vicki Belo who also attended the press conference for Femilift.
Aside from this procedure napunta ang usapan namin ni Ai Ai sa lovelife niya para maisakatuparan nga itong sinasabi niyang exciting na kaligayahang dadanasin niya after the procedure.
“Kung ano ba talaga ang hinahanap niya sa lalaki at kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang panibagong dyowa after niyang mahiwalay kay Jed Salang.
“Siyempre wait lang ako sa kung sinuman ang dumating. Alangan namang mangharang ako ng lalaki diyan at ialok ang sarili ko. Okay namang wala pero mas maganda pag meron.
“Ako kasi, ang type kong lalaki ay younger, hindi yung mga may asawa na para walang sabit. Kasi nga, pag me pamilya na ang maka-affair, chances are meron kang mawawasak na pamilya.
Ayoko nang ganoon. Gusto ko safe ang relasyon namin,” sabi ng komedyana. Parang meron daw siyang pinariringgan sa sinabi niya? “Wala, ‘no! Ever since ganoon naman talaga ang gusto ko.
Kung me tatamaan sa sinabi ko, hindi ko ito sinasadya. Ang sinasabi ko lang ay yung sa akin. Yung sa kanila, bahala sila sa trip nila,” aniya pa.
Malinaw iyon ha. Huwag niyo nang intrigahin si Ai Ai. Kung magkaiba sila ng trip ng ex-BFF niya, labas na siya roon. Maliwanag? Kung sinuman yung tinutukoy nilang akala’y pinariringgan daw ni Ai Ai, quiet na lang siya dahil tama naman ang point ni Ai Ai, di ba?
She was also asked kung may plano pa siyang magpakasal after what happened sa kanila ni Jed, mabilis niyang sagot, “No. Hindi na. Period!”
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.