DEAR Madam:
Ako po si Ernesto Javier, isang electrician. May 24 taon na nagtatrabaho sa RBL Corporation na matatagpuan sa #925 M. Nava St. Navotas City.
Ako po ay inakusahan na nagpalsipika ng pirma ng aking supervisor na sina Mr. Roberto Perez, Mrs. Gorgoni Yan at Mr. Michale Ablaya.
Ito po ang isang na-ging batayan upang ako ay tanggalin bilang isang regular na empleyado ng kumpanyang RBL Fishing Corporation.
Ang mga akusasyon sa akin ng mga taong ito ay walang katotohanan at hindi kayang gawin ng isang tulad ko na pangkaraniwang empleyado lamang.
Hindi ko po kayang ipagpalit ang 24 taon na pagtatrabaho sa kumpanyang ito.
Ernesto Javier
REPLY: Gusto ko lang itanong sa iyo Ernesto kung nagkaroon ba ng imbestigasyon bago ka tanggalin sa trabaho o bago ang imbestigasyon dapat ay binigyan ka muna ng notice na may 30 days na palugit upang ipaliwanag kung bakit ka tinanggal sa iyong trabaho? Ikaw rin ba ay umapela bago tinanggal sa trabaho?
Kung ang mga ito ay hindi nasunod, malinaw na may paglabag o violations sa iyo sa ilalim ng Labor Code.
May karapatan kang magtungo sa Caloocan City field office ng DOLE at may single approach desk officer na didinig ng iyong reklamo. Bibigyan ka ng 30 days para makipagkasundo sa iyong employer at obligado namang humarap ang iyong employer para sagutin ang lahat ng iyong akusasyon.
At kung sa loob ng 30 days ay hindi kayo nagkasundo, ang inyong kaso ay i-eendorso sa NLRC at doon ay isampa na ang demanda na illegal dismissal laban sa iyong kumpanya.
Kung may ‘valid cause’ ang dismissal, obligadong ibigay ng iyong employer ang separation pay sa loob ng 24 years na iyong pinagtrabhuan.
Huwag kang mawalan ng pag-asa at ang lahat ng problema sa mundo ay may solusyon.
Nicon Fameronag
DOLE
Director/Spokesperson
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.