Carmina sa tax evasion case ni Zoren: Naloka ako!
Speaking of Carmina Villaroel, naloka pala talaga ang TV host-actress nang bumandera ang balitang kinasuhan ng tax evasion case ang asawang si Zoren Legapsi ng BIR.
Sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, inamin ni Carmina na wala siyang kaalam-alam na may ganu’ng kaso ang asawa, “Pati ako naloka. Thursday lumabas ‘yung issue.
That day, naguluhan din kaming dalawa ni Zoren. Hindi rin namin alam what went wrong because nagbabayad kami ng buwis ni Zoren. (Kaya) wala talagang (idea), that’s why we were clueless.
Talaga kami? ‘Ha, anong nangyari?’ Malinaw kasi sa amin na nagbabayad kami. Nag-panic kami,” dire-diretsong pahayag ng aktres.
Agad namang kinausap ni Zoren ang kanilang accountant para ayusin ang kanilang mga dokuento na isa-submit sa BIR.
Kahapon inasikaso na ng kampo ni Zoren ang issue, “Babalik ulit du’n (BIR) ‘yung accountant and ‘yung sister-in-law ko to present our documents, our papers.
Kasi ‘yun lang naman ang gusto nila, na makita ‘yung papeles na meron kami. Sa kaso ni Zoren, meron yata siyang hindi nabayaran, hindi ako masyadong sure. That’s why bukas pupunta sila ulit doon to clarify everything.”
Kamakailan ay kinasuhan ng P4.45 million tax evasion case ng BIR zi Zoren dahil hindi raw ito nag-file ng income tax return 2010 at 2012.
( Photo credit to zoren carmina official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.