RisingStars’ talents nagpakitang gilas sa concert ni Daniel Padilla
HINDI nagpahuli ang tatlong talented singer-contestants ng RisingStar Philippines sa galing ni Daniel Padilla sa concert nitong “DOS” na kamakailan lang idinaos sa The Big Dome.
Sumampa sa stage at umawit ng “She Will Be Loved” ang tatlong winners ng “Daniel Padilla Singing Contest”, na nagpakilig sa libu-libong fans ng actor.
Tinanghal na winners sina Aerone Mendoza, Ross Zarandin at Christian David Amata, na nabigyan ng once-in-a-lifetime at dream-come-true experience na kumanta sa isang major concert event at venue tulad ng Smart Araneta Coliseum.
Matagumpay naman ang kinalabasan ng kanilang pre-show opening number kahit one song lang ito. Ang mala-Xian Lim na appeal ni Aerone Mendoza, ang cool-dude attitude ni Ross Zarandin, at ang boy-next-door charm ni Christian David Amata ay sinalubong ng isang mainit na palakpakan. Bukod dito ay tinilian din sila ng mga KathNiel fans.
Ani ni Ross Zarandin sa experience na ito: “Masaya po na may konting kaba kasi maraming tao talaga, pero super excited…once in a lifetime experience talaga!”
Si Christian David Amata, na bumyahe pa mula sa Roxas City, Capiz, ay di pa rin makapaniwala sa mga pangyayari. “Bago kami sumampa ng stage, nagdasal muna ako na sana maging maganda ang performance namin…Nung kumakanta na kami sa stage, sinabi ko sa sarili ko na eto na, eto na ang simula ng katuparan ng pangarap ko…”
Ang Daniel Padilla Singing contest na inilunsad ng RisingStars ay naganap online sa www.risingstars.inquirer.net, at nagkaroon din ng mga RisingStars singing booths sa ilang major malls sa Metro Manila. Mula sa mga online at on-ground entries, pinili ang mga finalists sa pamamagitan ng RisingStars’ online jury at online voting. Ang mga finalists naman ay nag live singing showdown, kung saan napili ang tatlong grand final winners na nabigyan ng chance na kumanta sa concert ni Daniel Padilla.
Bukod sa singing contest, isang finalist din ang nabigyan ng kilig-moment dahil siya ang nagwagi ng isang backstage pass to meet and greet Daniel Padilla sa mismong araw ng concert. Si Francesca ‘Chichay’ Balagtas ang nakakuha ng pinakamataas ng RisingStars users’ votes kaya siya ang maswerteng nakapagpa-picture-picture sa dressing room ni Daniel Padilla.
May 70 concert tickets naman ang naipamigay ng RisingStars sa mga sumali at nagwagi sa preliminary rounds, sa mga RisingStar users na top voters, at sa live audience nung grand finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.