Charo Santos Woman of the Year sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards | Bandera

Charo Santos Woman of the Year sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards

Jobert Sucaldito - May 05, 2014 - 03:00 AM


Wagi ng Gold Stevie Awards ang ABS-CBN president at CEO na si Ma’m Charo Santos-Concio sa Services Company of the Year at Woman of the Year categories para sa Pilipinas sa prestihiyosong 2014 Asia-Pacific Stevie Awards.

ABS-CBN ang isa sa dalawang kumpanya mula Pilipinas na nagwagi ng Gold Stevie Award ngayong taon. Kinatawan nito ang bansa bilang isa sa 300 na kumpanya at executives sa buong Asia-Pacific region na naglaban-laban sa 18 kategorya ng Asia-Pacific Stevie Awards.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Inilunsad ng ABS-CBN ang “Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na” campaign na naglikom ng pondo sa pamamagitan ng Tulong shirts at ang star-studded na Tulong fund-raising concerts.

Nagsagawa rin ang Kapamilya network ng relief at rehabilitation para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo, krisis sa Zamboanga, at lindol sa Bohol.

Kinilala naman si Ma’m Charo sa kanyang pamumuno sa ABS-CBN, dahilan ng patuloy nitong pamamayagpag sa TV ratings at ang pagpalo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kumpanya, at pagsabak nito sa ibang negosyo.

Ang lahat ng nagwagi ng Gold, Silver at Bronze Stevie Award ay mabusising pinili ng higit sa 50 executives mula sa buong mundo. Muling pipili ang isa na namang international panel ng mga hurado ng limang Grand Stevie winners mula sa lahat ng Gold winners ngayong buwan at paparangalan ang mga ito sa Seoul, South Korea sa May 30.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending