Pokwang wala pa ring dyowa, 2 taon pang matitigang | Bandera

Pokwang wala pa ring dyowa, 2 taon pang matitigang

Ervin Santiago - May 04, 2014 - 03:00 AM


WALANG balak makipag-boyfriend ang Mirabella star na si Pokwang sa ngayon dahil ang pinaka-priority niya sa buhay ay ang pagtatrabaho at ang kanyang anak.

Sa isang interview, sinabi ni Pokey na hindi muna niya iintindihin ang lovelife dahil naniniwala siya na kung talagang may darating na lalaki sa buhay niya, walang makapipigil dito, pero hangga’t wala pa, uubusin na lang daw niya ang kanyang panahon sa work, pag-iipon para sa future ng kanyang anak.

Kamakailan ay nabalitang may nanliligaw kay Pokwang na isang French guy na nagngangalang Favian, nakilala raw niya ito sa Enchanted Farm ng Gawad Kalinga nang mag-taping sila para sa Kris TV.

Pero nang kumustahin nga ng press si Pokey tungkol sa nasabing foreigner, “Wala pa rin. Wala, wala yan. I would like to congratulate my daughter Top 3 siya sa kanilang class at yun na muna ang gusto kong i-concentrate ang mapatapos siya ng bonggang-bongga. Another two years pa yung bubunuin ko so wa munang keme.”

Hirit pa ni Pokey, “Yung kinabukasan po muna ng anak ko saka muna ang lumandi.” Samantala, marami rin ang pumupuri sa akting ni Pokwang pati na rin sa kanyang kaibigang si John Lapus sa seryeng Mirabella bilang  kinikilalang mga magulang ni Julia Barretto.

In fairness, drama-dramahan ang emote nina Pokey at Sweet sa serye na napapanood sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol. Bagay na bagay daw sa dalawa ang kanilang mga role sa Mirabella kaya nag-swak sila sa kuwento.

At ngayong gumanda na nga ang karakter ni Julia bilang si Mira at lumabas na rin ang mahiwagang babae na si Bella, ano na ang naghihintay na buhay sa bago niyang pagkatao?

Isa ba itong regalo sa kanya ng tadhana o maging isang mas matinding sumpa na mas lalong maglalagay sa kanya sa panganib.
Abangan gabi-gabi ang Mirabella sa ABS-CBN Primetime Bida, kung saan kasama rin sina Enrique Gil, Sam Concepcion, ang nakakabwisit na kontrabida sa buhay ni Mira na si Mika dela Cruz at marami pang iba.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending