Vice Ganda ayaw na sa Showbiz | Bandera

Vice Ganda ayaw na sa Showbiz

- January 04, 2012 - 03:57 PM

Totoo bang over na ang kayabangan?

Hindi namin “makapa” kung maaawa o maiinis kami kay Vice Ganda. Sa napanood naming panayam dito sa The Buzz noong Linggo, isang kakaibang Vice ang napanood namin.

Lumabas nga du’n na parang hindi na niya type ang showbiz kaya’t kung may gusto siyang balikang buhay ay walang iba kundi ang dati na niyang nakasanayan.

Pera lang din ang lumabas na dahilan kung bakit tila nagtitiyaga siya sa showbiz, at never niyang nagustuhan ang mga intrigahan at kontrobersya rito.

May feeling pa nga kami sa pagle-lecture na ibinahagi ng ismarte sanang comedian-host na type nitong baguhin ang sistema sa entertainment world.

Sa kasalukuyan naman nitong isyu kay Ai Ai delas Alas na hindi naman na-establish kung ano talaga maliban na lang sa mga salitang “may pinagdadaanan”, malabo ang stand ni Vice and yet, humihingi siya ng pang-unawa at nakikiusap sa mga nag-aakusa sa kanya ng bastos na alamin muna ang isyu.


Wala naman siyang binabanggit na kung anong problema, sa palagay kaya ni Vice ay mauunawaan siya ng ordinaryong nakapanood ng litanya niya sa klase ng hidwaan nila ni Ai Ai?

Kaya hayun, pipigilan na naman ba niya na mag-opinyon ang mga tao gayung blangko naman ang mga sinabi niya?

Dapat nga lang marahil na hindi na nagsalita pa si Ai Ai na obvious namang nagagamit sa kuwento para i-angat ang magandang PR o imahe ng komedyante?

Kapag ba nag-opinyon kami ng ganito at hindi namin type pakialaman  ang anumang gulo nila ng Comedy Queen, Best Actress at Box-Office Queen, e, tatawagin na kaming bastos ni Vice?

Nakakaloka naman ang dramang ito ni Vice.

Tumimbuwang nga kami kapatid na Ervin nang banggitin pa nitong among the showbiz friends/colleagues niya ay bukod tanging si Ogie Diaz (belated happy birthday nga pala, teh!) lang ang kanyang personal na tinawagan at kinausap sa phone noong Pasko?

“Maangas” na statement di ba? Ano ba ang tingin niya sa sarili niya para gawing tila utang na loob pa ng tinawagan niya ang ginawang phone greeting?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi man ganu’n ang nais niyang ipakahulugan, pero sa paraan at attitude ng pagkakasabi niya, mayabang at nagmamalaki ang aura niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending