Gwapong PBB housemate crush ni Jasmine | Bandera

Gwapong PBB housemate crush ni Jasmine

Reggee Bonoan - April 30, 2014 - 03:00 AM


Mukhang paborito na kaagad si Manolo Pedrosa ng kapwa niya housemates sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother All In na tinaguriang Wonder Son of Quezon City dahil halos lahat ay gusto agad siya at puro papuri sa kanya.

Hmmmm, dumaan kaya sa audition si Manolo? Si Manolo ay isa sa spinner ng SpinNation social media program na hino-host ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 at balita nga namin ay crush siya ng dalaga.

Naku, kaya pala madalas dumalaw si Sam Concepcion sa live show ng nasabing programa. Anyway,  sa McDonalds Greenbelt nadiskubre si Manolo ng kanyang manager kasama ang mga barkada niya, tinanong siya kung type niyang mag-artista and the rest is history.

Kuwento ng isang  taga-SpinNation, “Baby boy namin si Manolo kasi sobrang bait na bata at mahiyain. Sana manalo siya.”
Sa pagkakaalam din namin ay isa na siya sa hinuhulaang mananalo sa PBBAI dahil gusto rin siya ng mga bossing ng ABS-CBN.

Sa La Salle Greenhills nag-aaral si Manolo at 3rd year high school na at base sa pagkakaalam namin ay ipinagpaalam talaga siya ng mommy niya sa school para makasali sa PBBAI.

Anak-mayaman si Manolo na halata naman di ba, bossing Ervin dahil sa porma pa lang ay makikita mo na. Hindi kasi siya baduy at ramdam mo agad ang breeding.

Anyway, how true na paborito rin si Manolo ng ABS-CBN management kaya kapag nanalo siya o nagkaroon ng puwesto ay alam mo na, bossing Ervin.

(Pero kailangan Reggs, patunayan din muna niya sa madlang pipol na deserving siyang manalo at sa boto ng mga manonood. Alam mo na! Ha-hahaha! – Ed)

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending