OF course, tuwang-tuwa at super proud si Marian Rivera sa pagkakapanalo ng kanyang dyowang si Dingdong Dantes bilang Best Actor sa 2011 Metro Manila Film Festival para sa pelikula nila ni Kris Aquino na “Segunda Mano”.
At tulad ni Dong, dedma lang din si Marian sa mga kritiko at detractors ng kanyang boyfriend na nagsasabing hindi naman daw deserving ang Kapuso actor sa napanalunan niyang award.
Ang importante raw ay nasa kanya na ang trophy at mas marami ang nagsasabi sa kanila na karapat-dapat magwagi ng award si Dong para sa entry nila sa MMFF.
Anyway, sa nalalapit namang pagtatapos ng epic seryeng Amaya sa GMA 7, marami pa raw kayong dapata abangan. Say ni Marian kailangan abangan n’yo kung ano ang magiging ending ng pakikipaglaban ni Amaya at ng kanyang lovelife.
Sa pagpapatuloy ng kuwento nito sa GMA TeleBabad, narito ang kailangan n’yong abangan ngayong gabi: Hindi sasama si Mantal sa pag-alis ni Marikit kasama ang asawa nito.
Babalaan ni Dal’lang si Amaya ukol sa posibilidad na pagtaksilan siya ni Pulajan, pero tiwala si Amaya sa datu. Samantala, dahil ipinabatid ng espiya ng hara kay Lamitan na walang naganap na digmaan sa banwa ni Lingayan, magdududa ang hara.
Ayon naman kay Pulajan, sa banwa ng mga Manobo siya nagpasyang magtungo para paslangin si Amaya at ihatid ang ulo nito kay Bagani subalit di sila nagpang-abot ng babae.
Bagaman duda si Lamitan sa asawa, papatotohanan ng mga sandig ang sinambit ng datu sa hara na nagtungo nga sila roon.
Subalit dahil hindi buo ang kuwento ng mga ito, haharapin ng hara ang datu at bubukuhin.
At bagaman may saysay ang mga palusot ng datu, mapapansin ng hara ang kakatwang ikinikilos ni Pulajan habang nagsisinungaling.
Magtutungo si Mantal sa banwa ni Lamitan. Haharapin nito si Pulajan upang hilingin na makita niya ang kapatid na si Lamitan.
Magtutungo si Lamitan kay Tarim upang pilitin itong ilahad ang katotohanan ukol sa naging pakay ni Pulajan sa banwa ng mga Manobo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.