Dionisia ‘BAWAL’ kunan pag walang make-up | Bandera

Dionisia ‘BAWAL’ kunan pag walang make-up

Cristy Fermin |April 22,2014
facebook
share this

Dionisia ‘BAWAL’ kunan pag walang make-up

Cristy Fermin - April 22, 2014 - 03:00 AM


Aliw na aliw ang mga kaibigan naming nakasabay sa eroplano pabalik sa Pilipinas ang matagumpay na Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang kanyang dakilang inang si Mommy Dionisia.

Kuwento ng aming kaibigan, “Siyempre, nandu’n na ang chance, hindi na namin pinalampas pa. Lumapit ako kay Mommy Dionisia, nag-ask ako kung puwede kaming magpa-picture taking sa kanya ng mga anak ko.

“Nakakaaliw ang sagot niya, ‘Puwede bang maya-maya na lang, ‘Day, dahil magme-make-up muna ako, nakakahiya kasi sa inyo!’ Kinuha niya ang pulbos niya sa bag niya, nag-lipstick siya, nagsalamin nang matagal, tapos, niyaya na niya kami para sa picture taking.

“Tapos, sabi niya bago kami magparetrato sa kanya, ‘Nakakahiya naman kung  pangit ako sa picture, dala-dala ko ang name ng anak ko! Kaya dapat talaga, palagi akong naka-make-up ba!’ sabi ni Mommy D sa amin.

“Napakabait niya, kahit si Pacman, palaging may time para sa mga nagpapa-picture taking sa tabi niya. Wala silang kaarte-arte sa katawan, mababait talaga sila,” kuwento ng aming kaibigan.

At bago raw bumaba sa eroplano si Mommy Dionisia ay nagsalamin pa siya uli, tinitigan ang kanyang itsura, “Kailangang maganda naman ako mamaya dahil maraming priss (press) na sasalubong kay Manny.

Isusuot ko ito, binili ng anak ko para sa akin, maganda,” sabi niya habang isinusuot ang bagong-bago niyang branded shades.
‘Yun ang magandang katangian ni Mommy D, walang kayabangan sa katawan ang dakilang ina ng Pambansang Kamao, hindi siya matatawag na stage mother dahil hindi siya pakialamera sa karera ng kanyang anak kundi maeksena lang.
Umeeksena lang siya.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending