Sigaw ng Netizens: Angeline, Dennis walang respeto sa Semana Santa | Bandera

Sigaw ng Netizens: Angeline, Dennis walang respeto sa Semana Santa

Alex Brosas - April 22, 2014 - 03:00 AM


FEELING banal yata ang mga tao sa social media. Last Holy Week kasi ay nag-post sina Dennis Trillo at Angeline Quinto ng photos nila. Si Dennis was shirtless while si Angeline naman ay naka-bathing suit na paahon sa swimming pool kasama ang isang guy.

Ang daming nag-react sa mga ipinost nilang photos. Merong mga taong tila nalaswaan at para bang isang malaking krimen ang nagawa nina Dennis at Angeline.

Ang puna ng marami, bakit daw nagpo-post ng ganoong photos ang mga artista gayong Semana Santa. Hindi na raw nila iginalang ang selebrasyon ng Holy Week.

While many have chosen to spend the Lenten season abroad, meron din naming nagkasya na lamang sa pagbabakasyon sa ilang lugar sa Pilipinas. Merong nagtampisaw na lang sa dagat at sa pool.

We don’t find Dennis and Angeline’s photos offensive. Ano ang bastos sa photo ni Dennis na shirtless, aber? At ano rin ang masama sa bathing suit ni Angeline?

Si Dennis, since marami ang nag-react sa photo niya ay kaagad niya iyong tinanggal sa kanyang Instagram account. Ganoon siya ka-sensitive sa reaction ng tao sa kanya sa social media.

( Photo credit to instagram )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending