Mataas ang uric acid mo? Eto ang bawal sa ‘yo.. | Bandera

Mataas ang uric acid mo? Eto ang bawal sa ‘yo..

Dr. Hildegardes Dineros - April 16, 2014 - 03:00 AM

..DOCTOR Heal, anong prutas, gulay at isda ng dagat ang may uricpara maiwasan kung kainin dahil mataas ang uric acid ko. — Elinor Ybanez, 72, …4595
Ang mga pagkain na galing sa tanim na mataas ang “purines” ay whole grains, beans, lentils, peas, spinach, asparagus at cauliflower. Ang mga “oily fishes” ay nagdudulot din ng pagtaas ng uric acid. Syempre huwag kalimutan maging ang beer ay napakagaling magpataas ng uric acid pati na rin ang mga karne lalo na ang red meat at organ meats na gaya ng liver, kidneys, heart at intestines ng hayop.

Ako po c Ian, taga Palo, 22 ang edad ko po. Tanong ko lang po Doctor Heal, ano po ba ang nararanasan kong sakit kasi po palagi na lang manhid ang kaliwa kong kamay. Dalawang taon ko na po itong iniinda, minsan prang makirot na parang pinipilipit.Pasma po ba ito? Sana matulu-ngan ninyo ako.– …0643

Walang katumbas sa ingles ang pasma. Masyadong bata ka pa para magkaroon ng problema sa mga ugat. Ang mga sintomas ng sakit na kadlasan ay sinasabing pasma ay gaya ng panginginig, kawalan ng pakiramdam o panga-ngalay, pagpapawis o panlalamig ng mga kamay at paa. Maaring maramdaman ito sa edad mo maari kung sakali lang na may naiipit na ugat o kaya naman ay humina ang daloy ng dugo.

Good day, Dr. Heal, ano po ang gamot sa parang mga warts na tumutubo sa ari ko, mabilis hong dumarami,ayaw pong matanggal kahit gamitan ng mga ointment. May mga antibiotic o antibacterial bang pwede inumin para matanggal ito doc? — Ray, 38, Panabo City, ….0552

Venereal warts ang tawag dito, impeksyon ito na nakukuha sa pakikipagtalik sa mayroon ding sakit na gaya mo. Virus ang dahilan nito. Sinusunog ito (electrical cauterization, laser fulguration, chemical cautery) para lubusang mawala ito. Subali’t napakamahalaga ang umiwas sa impeksyon kapag ikaw ay naging malinis na.

Hi Doc. Heal. Tambagi ko sa ako problem… unsa ang makaayo sa sinus? — Greg, Cordova, ….1036

Ang “sinusitis” ay pamamaga ng “lining” o nakabalot sa “sinuses”, mga kweba na nakapaligid sa ilong na ang trabaho ay ang baguhin ang kalidad ng hangin (air quality) na pumapasok sa ilong gaya ng temperatura at tunog kung ang hangin ay ginagamit sa pagsasalita.
Dahil sa pamamaga, sumisikip ang daluyan ng hangin, nagkakaroon ng sipon dahil ang mga dumi na nakakairita sa ilong ay kailangan mailabas.
Ang “sinusitis” ay kadalasan nagbibigay ng sakit sa ulo, sa kung saang parte na malapit ang namamaga na “sinuses”.
Pinakamadalas na naaapektuhan ang “maxillary at frontal sinuses” kung kaya’t ang headache ay nasa may noo at parang inuukit ang mga mata.
Kapag lumala ang “sinusitis”, nagkakaroon ng “post-nasal drip”, ang sipon bumabagsak sa lalamunan at nagkakaroon ng “sore throat” na maari ding bumaba sa mga daluyan ng hangin. Dito nagkakaroon ng pag-uubo na madalas ay may plema, matubig man o malapot na manilaw-nilaw at berde.

Ang paggamot ng sinusitis ay nag-uumpisa sa pagpapaluwag ng daluyan ng hangin, “decongestant” ang tawag dito. Ang “mucolytic” ay ibinibigay para malusaw ang malagkit na plema. Maa-ring lumuwag ang plema sa pamamagitan ng “steam inhalation” o “nebulization”. Maaring mag “gargle” ng maligamagam na tubig na may asin kung nangangati ang lalamunan. Kailangan ng “antibiotic” kung ang plema ay malapot na, dilaw at berde na ang kulay.

Doc, may itatanong po ako tungkol sa almoranas kasi po may almoranas po ako subalit may tumubong napakasakit na bukol sa itaas ng aking pwet. Hindi po kaya cancer ang bukol na tumubo sa aking pwet? — ….1448

Maliban sa almoranas, mayroon ka pang “peri-anal abscess”, impeksyon sa paligid ng tumbong. Ito ay nag-uumpisa na pamamaga, nagiging nana at pigsa, at nanga-ngailangang ilabas ito para mawala ang impeksyon. Maari itong pumutok ng kusa subali’t minsan ay kinakailangan ng operasyon. madalas kapag gumaling ang pigsa, nag-iiwan ng panibagong problema, ang “anal fistula”.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending