Vhong namimili na ng mga kaibigan: Hirap na akong magtiwala ngayon!
KUNG meron mang isang pinagsisisihan si Vhong Navarro sa pambubugbog sa kanya ng grupo ni Cedric Lee at sa sunud-sunod na pagkakaso sa kanya ng rape, yan ay walang iba kundi ang panloloko niya sa kanyang girlfriend.
Ayon kay Vhong, nangako siya sa kanyang karelasyon ngayon na hinding-hindi na mauulit ang ginawa niyang pagpatol sa ibang babae.
Sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, sinabi ni Vhong na hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang nilalabanan ang naging traumatic experience niya sa mga kamay nina Cedric Lee noong Jan. 22.
“Patuloy ko namang inaamin na nagkamali ako pagdating sa girlfriend ko. Talagang ‘yun ang pinagsisisihan ko, na niloko ko ang girlfriend ko that time. Ayaw ko na ‘yun ulitin. Dahil sa panahong ‘yun, hanggang ngayon, siya pa rin ang kasama ko at umiintindi sa akin,” paliwanag ng TV host-comedian.
Inamin din ni Vhong na ngayon daw ay hindi na siya agad-agad nagtitiwala, “Ako ‘yung tipo ng tao na madali makagaanan ng loob kasi ako ‘yung tipo ng tao na hindi ako namimili kung sino ang kakaibiganin ko…hangga’t maaari, gusto ko ibalik ‘yung dati. Pero ngayon medyo hirap akong magtiwala. Medyo nawala sa akin ‘yun, ‘yung pagtitiwala.”
Sa kabila naman ng mga mapapait na nangyari sa buhay niya, na-realize ni Vhong kung gaano kahalaga ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan, nakilala rin niya kung sinu-sino ang totoong nagmamalasakit sa kanya.
“Mas nadagdagan (love para sa mga friends). Doon mo kasi malalaman ang isang kaibigan. Dapat ang kaibigan nandiyan sa hirap at ginhawa dahil ganun ako. Hindi ako nang-iiwan. Siyempre minsan, hindi mo naman kailangan hingin sa kanila ‘yun,” anang comedian.
Hindi na rin masyadong apektado si Vhong sa dalawa pang babaeng nagsampa ng rape laban sa kanya, matapos ngang i-dismiss ng Department of Justice ang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.
“Haharapin namin ang pwede pang mangyari basta patuloy akong nagdadasal na sana matapos ng maaga at makayanan ko lahat,” matapang na pahayag ni Vhong.
Ikinatuwa rin ng Kapamilya actor ang kautusan ng DOJ na sampahan ng mga kasong serious illegal detention at grave coercion sina Cedric, Deniece at iba pa. Kahapon, naglabas na ng warrant of arrest ang Taguig City Regional Trial Court laban sa mga suspek. Wait na lang tayo kung maaaresto at makukulong ang tropa nina Cedric Lee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.