James maswerte dahil nakawala sa sumpa ni Kris | Bandera

James maswerte dahil nakawala sa sumpa ni Kris

Cristy Fermin - April 14, 2014 - 03:00 AM


Tapos na ang lahat sa kanilang dalawa, may kani-kanyang buhay at kaligayahan na sila ngayon, pero maraming kababayan natin ang nakapansin na hanggang ngayo’y dinidiktahan pa rin ni Kris Aquino ang dati niyang mister na si James Yap.

Sa kanilang mga tanungan-sagutan na ipinalabas sa isang show ni Kris ay lumutang daw ang walang kamatayang pambabara ni Kris at pagdidikta sa kanyang dating mister.

Kuwento ng aming source na nakapanood sa panayam ni Kris sa ama ni Bimby, “Dapat lang talagang magpasalamat si James dahil nakawala na siya sa sumpa ni Kris! He’s so blessed.

“Imagine, ang tagal-tagal na nilang hiwalay, may kani-kanyang buhay na sila ngayon, pero si Kris, dominante pa rin! It all started sa picture na ipinakikita raw ni James kay Bimby kapag magkasama ang mag-ama.

Picture nila ‘yun ni James nu’ng happier days pa nila.“Nagpa-cute na agad si Kris na sana raw, e, hindi na ‘yun ginagawa ni James, dahil nako-confuse si Bimby.

Baka rin daw magalit pa ang girlfriend ngayon ni James nang dahil lang sa picture na ‘yun. “Sana rin daw, e, hindi na niya sinasabi pa kay Bimby na mahal pa rin niya si Kris para maiwasan ang pagka-confuse ng anak nila.

See? She’s still the very dominating Kris, samantalang dapat nga, e, wala na siyang pakialam ngayon sa buhay ni James, di ba?
“Sumasagot si James, pero binabara pa rin siya ni Kris, talagang napakasuwerte ni James dahil nakawala na siya sa sumpa ni Kris!” kuwento pa ng kaibigan naming propesor sa isang sikat na pamantasan sa ating bansa.

Nasa dating talaga ni Kris ang pagiging dominante, isang bagay na nagiging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang karelasyon, ganito rin kaya ang mangyari sa pakikipagrelasyon niya kay Mayor Herbert Bautista?

Pumayag naman kaya ang aktor-politiko sa mga kapritso ni Kris? Abangan!!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending