2 anak ni Bistek sa dating dyowa iyak nang iyak, apektado sa pasabog ni Kris | Bandera

2 anak ni Bistek sa dating dyowa iyak nang iyak, apektado sa pasabog ni Kris

Jobert Sucaldito - April 10, 2014 - 03:00 AM


I DON’T know how to describe a human being like Kris Aquino. Iba talaga siya. Her wish is everyone’s command actually. Napansin ninyo? Lahat ng gusto niya, she has to get it.

Hindi puwedeng puwede na – kailangang naka-headline talaga siya palagi. Is this the kind of life she’d like to live for the rest of her life? “Nakakaloka nga si Kris.

Nakakabaliw ang kabaliwan niya actually. This plump and not so beautiful woman (minus those expensive heels and glossy makeovers) has achieved everything she wants in life lalo na sa negosyong ito where she reigns supreme.

“As a TV host, madaldal siya at matalino pero very self-serving nga lang kaya hindi masyadong nakakabilib. But of course, doing shows in a network she owns up to (Ha-hahaha!) dahil malaking factor ang pagkapangulo ng late mom niyang si Tita Cory Aquino para maibalik ang istasyon sa mga Lopezes (the utang-na-loob system, ika nga!) kaya lahat ng gusto niyang shows ay ibinibigay sa kaniya.
“She’s truly spoiled sa istasyon at marami sa loob ang bow lang nang bow sa kaniya. Nasaksihan ko kung paano siya ituring na diyosa sa ABS-CBN na palagay ko’y stands for Aquino Broadcasting System-Cojuangco Broadcasting Network dahil kung umasta si Kris ay parang siya ang may-ari ng istasyon.

Ha-hahaha! Check mo nga at baka sila talaga ang tunay na may-ari ng network,” biro ng maldita naming kaibigan na bwisit na kay Kris.

“At nakakaloka siya tuwing Metro Manila Film Festival, lahat ng mga pelikula niya – kahit mga basura ay tumatabo sa takilya. Ginagamitan nila ng puwersa sa pamahalaan.

Napanood ko ang ‘Sisterakas’ at ‘My Little Bossings’, mga basura talaga pero tumabo sa takilya. At siya yung tipong won’t settle as second placer, gusto niya talagang nasa unahan siya.

Wala bang kakuntentuhan ang babaeng iyan? She doesn’t even know how to act but she wants to win an Oscars?” talak ng isang kapitbahay namin.

“And everyday, iba-iba ang drama niya. Magaling siyang magpa-float ng balita para pag-usapan siya. Gusto niya siya palagi ang nasa headline. Walang kapaguran sa publicity. She promotes herself to its maximum.

Kung makapagpalutang ng mga lalaking nababaliw kuno-kuno sa kaniya, akala mo beauty queen at napaka-sexy – oh no! Tama nga yung mga nababasa ko, she is truly her best publicist.

“Bakit ninyo siya pinapayagan? Bakit hindi niyo sabihin sa kaniya na hindi siya maganda – na hindi siya sexy – na hindi siya mahusay umarte though napakaarte niya in eral life? Takot ba kayo sa kaniya?” pahabol  ng kausap namin.

Bakit hindi ikaw ang magsabi kay Kris? Bakit kami? Eh, kung tanggalin kami sa work. Ikaw talaga. Mandadamay ka pa. Alam niyo naman iyan – that Kris is the most powerful Pinay celebrity na puwedeng gawin ang lahat ng gusto niya.

Presidente pa ang kapatid, ano ang laban mo, sige nga? Huwag mo nga kaming ilagay sa alanganin. Ha-hahaha!

“Pati sa lalaki, hindi ba siya nag-iisip na meron siyang nasisirang pamilya sa pagpasok sa bagong relasyong ito with Mayor Herbert Bautista? Alam naman niyang may partner na ‘yung tao,  di ba si Tates Gana ang ina ng dalawang anak ni Herbert na kasama nito sa isang bubong?

“Bakit pa niya pinatulan si Herbert? Bakit hindi siya kumuha ng lalaking walang sabit? Kahit sabihin pa niyang hindi naman kasal si Herbert kay Tates, nakasira pa rin siya ng relasyon,” ang ayaw pa ring tumigil na pagpuna ng aming kausap.

“Hindi ba natatakot si Kris sa karma? Akala ko ba’y relihiyosa ang babaeng iyan pero bakit parang wala lang sa kaniya ang makapanakit ng kapwa? Ano naman ang laban ni Tates sa kaniya?

“At parang kinukunsinte lang siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya, ng istasyong pinaglilingkuran niya. That’s bad imaging for the network.

Kung iba iyan, memo na agad or if not tanggal sa work dahil she brings in bad image to the company. She has started to wreck another happy family.

“Nabalitaan niyo na ba that Herbert’s two kids by Tates Gana are so depressed now? Iyak daw nang iyak ang mga bata dahil sa pronouncement na ito ni Kris about her affair with Bistek,” emote ng isang close kay Tates and the kids.

Kahit sabihin pang partly to blame dito si Bistek, nasa babae pa rin ang huling desisyon. Kung meron siyang puso for Bistek’s family, hindi sana siya pumayag na magpaligaw kay Herbert.

Sa dinami-dami ng lalaki, bakit doon pa sa isang lalaking meron nang pananagutan? Paulit-ulit na lang ang historia ng buhay-pag-ibig ni Kris – from Kuya Ipe (Phillip Salvador) down to former mayor Joey Marquez and now comes Herbert Bautista.

“I don’t know. Hindi ko po alam kung anong uri ng tao si Kris. Nakilala lang naman natin iyan nang husto sa showbiz na. Dati naman ay isang cute na bata lang iyan who campaigned for her late mom when she was running for presidency after ma-assassinate ang dad nila.

She was truly cute then and very witty. Pero nang mag-showbiz na siya, naiba na ang ihip ng hangin. She wanted to be very popular and very rich, parang hindi marunong makuntento. What does she wants pa kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito lang ang masasabi ko, isang malutong na NO COMMENT!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending