OFW di makauwi, pasaporte butas | Bandera

OFW di makauwi, pasaporte butas

Susan K - April 09, 2014 - 03:00 AM

ISANG mensahe ang natanggap natin mula kay Angelita Beringuel mula sa Kuwait, na isang taon at 10 buwan na siyang nagtatrabaho doon.

Nag-expire ang kaniyang pasaporte noong Marso 12, 2013. Pero bago pa umano ito mag-expire ay sinabi na niya ito sa among babae. Oo lang daw ng oo si Madame kapag sinasabi niya at inuulit ulit pa niyang malapit nang mag-expire ang passport niya.

Hanggang sa dumating ang buwan ng Agosto 2013, doon lang siya nakapag-renew at Oktubre niya ito nakuha.

Kabilin-bilinan ng Philippine Embassy sa Kuwait na ipalipat ang visa niya sa bagong passport. Pero dinedma lang ito ng kanyang amo at patuloy pa rin nitong hawak ang passport ni Angelita. Si Madame ang nagtatago ng pasaporte ng OFW.

Minsan hiniram ni Angelita ang kanyang passport dahil magtutungo siya sa hospital upang magpa-check up. Kakailanganin niya iyon. Doon lamang niya nalaman na hindi pala nailipat ang visa nito sa bagong pasaporte.

At nitong buwan ng Marso 2014, sinabihan niya si Madame na gusto na niyang umuwi dahil madalas ‘anyang sumakit ang kaniyang ulo. Sagot daw ng kaniyang amo… puwede siyang umuwi basta hati sila sa pambili ng plane ticket.

Pumayag na rin si Angelita. Nang dalhin ang passport doon niya nalaman na malaki na pala ang dapat niyang bayaran dahil 2 Dinar ang multa sa bawat araw sa di pagkuha ng bagong visa.

Lumapit na rin ‘anya si Angelita sa ating Philippine Embassy sa Kuwait ngunit hindi naman siya natulungan sa kaniyang problema.

Butas na raw kasi yung luma niyang passport nang magpa-renew siya kung kaya’t hindi na rin puwedeng gamitin iyon upang mag-apply ng extension para sa kaniyang visa. Nag-aalala ng husto si Angelita dahil bawat araw pumapatak ng pumapatak ang metro, at lumalaki ang kanyang bayarin.

Agad ipinadala ng Bantay OCW ang reklamong ito sa tanggapan ni Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment. At sa pamamagitan ni Labor Attache David Des Dicang ay asahan nating masosolusyunan ang problema ni Angelita.
Magkaroon ng sariling mga tahanan… ito ang tanging pinaka-aasam asam ng ating mga OFW kung bakit pinipili pa nilang iwan ang pamilya at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ngunit minsan nakakatapat sila sa mga sinungaling, mapag-samantala at walang pusong mga developer na pinangangakuan lamang ng pinangangakuan ang ating mga kababayan sa kabila ng malaking halaga na kanilang naibayad na.

Sa susunod na edisyon ng Bantay OCW dito sa Inquirer Bandera, ibabandera natin ang mga modus-perandi ng mga nagpapanggap na mga developerat nambibiktima ng ating mga OFW.

Kung may reklamo kayo sa mga binayaran na ninyo at patuloy na pangako ang inyong natatanggap, magtungo po kaagad sa Bantay OCW at tutulungan namin kayo.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Lunes hanggang Biyernes mula alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Mapapanood din ang live video streaming sa www.ustream.tv/channel/dziq.
Helpline: 0927.649.9870
E-mail: [email protected]/ [email protected]

 

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending