“THANK God, naiyak talaga ako, Reggs!” Ang nasambit sa amin ni Kris Aquino nang batiin namin siya matapos makakuha ng Grade A sa Cinema Evaluation Board ang “Segunda Mano” na entry ng Star Cinema at MJM Productions sa 2011 Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa na sa Dec. 25.
“Actress na talaga ako Reggs! May approval and recognition na from the critics and artists of our industry,” dagdag pa ng TV host-actress.
Ilang Best Supporting Actress trophies na ang natanggap ni Kris nu’ng 2002 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Mano Po” pero bakit ngayon lang niya nasabing, “aktres” na siya?
Ilan sa mga nakuhang award ni Kris ay PASADO Award for Best Supporting Actress (Mano Po); PMPC Star Awards for Movies for Best Supporting Actress; FAMAS Award for Best Supporting Actress at KAPPT Award for Best Supporting Actress.
Kaya nang muli namin siyang tanungin kung nage-expect o gusto niyang manalo ng award ay mabilis niya kaming sinagot ng, “Nope, si Dong (Dingdong Dantes) sana talaga.”
Samantala, sa guesting ni Kris sa Bandila nu’ng Miyerkules ng gabi ay nabanggit niya na sa taong 2012 ay ipagpapatuloy niya ang pag-arte at pagiging producer and at the same time ang pagiging philanthropist dahil sa taong 2013 ay makakapangasawa raw siya ng bilyonaryo na puwede siyang tulungan sa lahat ng mga adhikain niya para sa Pilipinas.
Samantala, naikuwento ng TV host-actress na puring-puri raw ng mga taga-CEB ang “Segunda Mano” bukod sa acting nila ni Dingdong,
“Hindi raw nila akalain na doon papunta ‘yung story. The Cinema Evaluation Board said that the movie is different, wala kaming horror na ganito napanood in all the years that they’ve been reviewing.
“So, ‘yun, iba ‘yung pelikula. And if only for that na puwede mong ipagmalaki, di ba parati na lang sinasabi nila na ayaw nila ng repeat experience, hindi talaga,” sabi pa ng Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.