Galaw ng Numero: 5 at 6 ang mahiwaga | Bandera

Galaw ng Numero: 5 at 6 ang mahiwaga

- December 21, 2011 - 03:09 PM

Dear David,
ISA akong pulis pero maliit lang ang kita ko. Kasi’y hindi ako sumasali sa raket ng mga kasamahan ko.

Okey na sa akin ang suweldo ko kasi’y may trabaho rin bilang clerk ang misis ko.

May isa akong anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1975.

Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres  at lotto.
ADRIAN NG DAVAO CITY

Dear  Adrian,
FIVE (5) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay.

Mercury at Venus ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Makakaranas ka nang mabibilis na pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kahit isa kang pulis, puwede ka namang magtayo ng negosyo dahil diyan ka bubuwenasin.

Okey din ang paglalakbay at kung nanaisin mong mag-abroad ay matutuloy ka. Buwenas ka sa negosyo na naglalako o naglilipat-lipat ng lugar. Kapag nagpundar ka ng sasakyan, bibilis ang iyong pag-unlad.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong  2012 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan.

Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hulyo at Oktubre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 16, 23, at  30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Martes.

Kulay gray at maroon ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 5 at No. 6 ang No. 9. Sa lotto, puma lot ka sa mgs sumusunod:  2-6-11-18-23-24-34-37-40-42.
Asset: 3-6-5/ 7-8-2/ 3-6-2. Wiretips: 5-7-6/ 8-9-3/ 4-1-3. Double digit: 5-8/ 6-8/ 8-3. Luzon guide: 4-7-11-18-23-24-34-35-40-42.  VisMin: 5-7-11-18-23-24-34-36-40-41. MegaLotto: 4-6-18-23-24-28-34-37-40-42. Grand Lotto: 3-7-11-18-23-24-34-36-40-44-45. Four Number: 4-6-3-5/ 8-2-1-4/  8-9-2-

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending