Pulis ngayon walang binatbat | Bandera

Pulis ngayon walang binatbat

Ramon Tulfo - April 08, 2014 - 03:00 AM

SA tingin ba ninyo ay malulutas ang kaso ng pagkakapaslang kay Rubylita Garcia, reporter ng dyaryong Remate?

Si Garcia ay miyembro ng National Press Club at presidente ng isang grupo ng mga reporters sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Siya’y binaril sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bacoor, Cavite.

Konektado man ang pagpaslang sa kanya sa kanyang trabaho bilang reporter o hindi, dapat ay mahuli ang mga salarin.

Pero sa hina ng pag-kilos ng mga pulis sa paglutas ng kaso, aabutin ng siyam-siyam o taon bago pa mahuli ang mga salarin.

Mahina ang kapulisan ngayon kontra sa dati.

Ang tinutukoy kong “dati” ay noong panahon na ako’y police reporter pa.

Mabilis ang paglutas noon ng mga kasong kriminal.

Ewan ko lang sa iba, pero sa Western Police District (ang tawag sa Manila Police District noon), kung saan ako ay na-assign ng Manila Bulletin, magilas ang mga pulis.

Mabilis silang magkikikilos at madali nilang nahuhuli ang salarin.

Ito’y noong mga panahon nina Capt. Robert Barbers (na naging senador), Col. Juanito Lagasca, Col. Vicente Vinarao (na naging director ng Bureau of Corrections), Lt. Ernesto “Totoy” Diokno (na naging three-star police general), Col. Alfredo Lim (na naging mayor ng Maynila), at Col. Felicisimo Lazaro.

Noong panahong nagko-cover ang inyong lingkod ng WPD (1978 to 1987), ang mga pa-ngalang nabanggit ay kilabot ng mga kriminal.

Kapag ibinigay na lutasin nila ang isang kaso, hindi sila tumitigil hangga’t di nila nahuhuli o napapatay ang mga salarin.

Halimbawa, itong si Barbers ay nalutas within 24 hours ang paghagis ng granada sa isang umpukan ng mga tao sa isang lugar sa Pandacan.

Itong si Diokno ay nahuli ang notorious na si Ben Tumbling, isang carnapper, robbery suspect at mamamatay ng mga pulis, dahil sa tiyaga.

May isang taon din bago nahuli si Ben Tumbling ng grupo ni Totoy Diokno.

Natalo ng grupo ni Diokno ang mga ibang units ng ibang police districts at Metrocom (Metropolitan Command) ng Philippine Constabulary sa paghanap kay Tumbling.

Anong ibig kong ipahiwatig sa pagsulat tungkol sa mga exploits ng mga miyembro ng “Manila’s Finest?”

Na kapag binigyan ng assignment ang mga pulis noon, hindi sila halos makatulog habang di nalulutas ang isang malaking krimen o nahuhuli ang mga salarin.

Ilang gabi na sinubaybayan o minamanman ni Lagasca, na noon ay kapitan pa lang, ang mad killer na alyas “Waway” bago niya napatay ito sa isang gasoline station.

Nagpanggap na gas station attendant si Lagasca sa isang gasolinahan na suki ni Waway.

Nag hide-and-seek sina Lagasca at Waway sa isa’t isa: hinahanting din ni Waway si Lagasca.

Ganoon magtrabaho ang pulis noon.

Sisiw ang mga pulis ngayon sa mga pulis noong araw.

Noong araw, nakikita mo ang isang pulis na nakatindig sa kanto o kaya ay nagta-trapik sa gitna ng daan.

Wala na ang ganoong tanawin ngayon.

Kung nakikita mo man ang unipormadong pulis, sila’y nagku-kumpol-kumpol sa kanto at nakaupo.

Habang sila’y nakaupo, ang iba sa kanila ay nagtitext o tumatawag sa kanilang cellphone.

Ang iba naman ay nagdadaldalan at parang walang pakialam sa mundo.

Kaya pala maraming pulis na naaagawan ng baril, lalo na yung mga bagito.

Paanong di sila naaagawan ng baril, nagliliwaliw kasi ang kanilang mga isip at hindi sa kanilang trabaho.

Tamad pang lumakad ang mga diyaske at lumalaki ang kanilang mga itlog dahil sa kauupo.

Ayaw pang magbilad sa araw baka raw sila’y umitim.

Parang gusto yatang pumasok sa beauty contest ang mga loko.

Di raw sila gustong magtrapik dahil trabaho raw ito ng mga MMDA o mga traffic aides.

Mga college graduates daw sila at tingin nila ay mababa ang kategorya ng nagtatrapik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

@$^&###@***! bakit pa sila nagpulis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending