Annabelle may bagong kaso laban kay Nadia | Bandera

Annabelle may bagong kaso laban kay Nadia

- December 21, 2011 - 02:30 PM

Pagkatapos daw kasuhan ng attempted kidnapping

Naku, talagang tuluy-tuloy pa rin ang bangayang Annabelle Rama at Nadia Montenegro kahit pa sabihing palapit na nang palapit ang araw ng Pasko.

Mukhang hindi na nga titigil ang dalawa sa pagsasampalan ng mga demanda.

Nag-file na naman daw ng bagong kaso si tita Annabelle laban kay Nadia, kasong theft daw ang isinampa ng talent manager  sa San Juan Prosecutor‘s Office.

Ayon sa ulat, idinemanda na ni tita Annabelle si Nadia dahil sa hindi pa diumano nito isinasauli ang mga gamit na kinuha raw nito sa kanyang bahay.

Sabi sa ulat, sofa lang daw ang hinihiram ni Nadia sa kanya, pero nalaman ni tita Annabelle na marami pala itong kinuhang mga gamit na nagkakahalaga raw ng P400,000.

Kamakailan ay nagsampa rin ng “attempted kidnapping” ang mommy ni Richard Gutierrez laban kay Nadia.

Hindi pa nagsasalita si Nadia tungkol dito pero sure kaming patuloy na lalaban ang mommy ni Ynna Asistio. Sa huling panayam kasi sa dating aktres sinabi nitong hanggang sa huli ay lalaban siya kay Annabelle Rama.

Pero siyempre, umaasa pa rin tayo na magkakaroon ng himala at biglang magising na lang isang araw sina Nadia at tita Annabelle na gusto na nilang patawarin ang isa’t isa at maging mabuting magkaibigan uli! Sounds impossible, pero wala namang hindi nadadaan na maayos at magandang usapan, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending