2-0 bentahe nakuha ng Ph Davies Cuppers | Bandera

2-0 bentahe nakuha ng Ph Davies Cuppers

Mike Lee - April 05, 2014 - 03:00 AM

BINAWIAN ni Patrick John Tierro ang number one player ng Pakistan na si Aqeel Khan, 7-5, 6-4,  6-4, habang hiniya ni Fil-Am Ruben Gonzales ang bagitong si Samir Iftikhar, 6-4, 6-3, 6-1, para kunin ng Pilipinas ang mahalagang 2-0 kalamangan sa pagsisimula ng Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II tie kahapon sa PCA Indoor Clay court sa Paco, Maynila.

Lumabas ang kumpiyansa sa sarili ni Tierro na nakuha niya matapos ang magandang inilaro sa Olivarez Cup noong nakaraang linggo para gulatin si Khan sa straight sets.

Ang panalo ay pambawi ng 29-anyos na si Tierro sa tinamong straight sets pagkatalo kay Khan noong 2009 sa nasabing palaruan.

“Five years na iyon. This time I’m fitter dahil nagte-train na ako di tulad dati, and I’m more matured,” wika ni Tierro na winakasan din ang limang sunod na pagkatalo sa Davis Cup.

“Talo rin ako sa first match sa Sri Lanka. At least ngayon nakatulong ako sa team at less pressure na rin kay Ruben,” dagdag ng 6-foot-1 tubong Olongapo City netter.

Hindi naman sinayang ni Gonzales ang oportunidad na ilapit ang host country sa isang panalo para umabante na sa
Finals sa Group II matapos gamitin ang mas malawak na karanasan sa 22-anyos at nasa ikalawang Davis Cup pa lamang na si Iftikhar.

Pinahirapan ni Gonzales si Iftikhar ng mga malalakas na bola na sinasalitan ng mga drop shots upang itulak ang bisitang koponan sa isang talo para manatili sa Group II sa 2015.

“It was a tough match. He broke my serve twice in the first set. But when I got the lead I started playing better,” pahayag ni Gonzales.

Ang pangalawang service break ni Iftikhar ang nagbigay sa kanya ng 3-2 kalamangan pero na-break siya ni Gonzales sa sixth game bago nag-hold serve para sa 4-3 kalamangan.

Bumigay si Iftikhar sa sumunod na laro at na-break pa sa 10th game para sa 6-4 panalo. Itinatak na ni Gonzales ang kalidad ng paglalaro sa sumunod na sets tungo sa mas kumbinsidong panalo.

“Iyon ang target (2-0) pero hindi expected dahil sa first match, anybody’s game. Test din ito kay PJ dahil tinalo siya ni Khan  noong 2009,” pahayag ni non-playing team captain Roland Kraut.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na kunin ang panalo sa best-of-five tie ngayong ala-1 ng hapon sa gaganaping doubles na kung saan sina Gonzales at Treat Huey ang magtatambal laban sa subok ng pares nina Khan at Aisam Qureshi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaasahang magiging mahigpitan ito dahil sa kalidad ng mga maglalaro na kung saan si Huey ay ranked 25 sa doubles, si Gonzales ay nasa 150 at si Qureshi ay number 27.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending