TALAGANG hindi tatantanan ni Nadia Montenegro ang kademandahan niyang si Annabelle Rama, ‘no! Seryoso talaga si Nadia na makitang nakakulong si tita Annabelle pagkatapos ngang sumugod ang dating aktres kasama ang kanyang abogado at ilang pulis sa opisina ni Bisaya.
Nagsalita na ang abogado ni Nadia tungkol sa “attempted kidnapping” na isinampa ni tita Annabelle laban kay Nadia at sa kanyang mga kasamahan matapos ang ginawang pagsugod ng mga ito sa kanyang opisina sa Imperial Palace Suites sa Q.C..
Say ng lawyer ni Nadia na si Atty. Glen Marie Abraham walang basehan ang kasong isinampa sa kanila ni tita Annabelle.
Ayon kay Atty. Abrahan sila ang may basehan para ipaaresto ang talent manager dahil sa ginawang paninigaw at tangkang pananakit diumano nito kay Nadia Montenegro noong Dec. 6 habang ginaganap ang clarificatory hearing sa fiscal’s office.
Ito’y base na rin daw sa Supreme Court E-Library kung saan nakasaad sa Section 5, Rule 113 ang mga probisyong, “A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person: “When, in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense;
“When an offense has just been committed and he has probable cause to believe based on personal knowledge…”
At dahil nga hindi nila nakita sa opisina si tita Annabelle, nagsampa na lang ng kasong grave oral defamation, slander by deed, attempted physical injuries and unjust vexation si Nadia laban sa talent manager.
Well, sure na sure kami na may bagong pasabog na naman ang mommy nina Richard at Ruffa Gutierrez sa bagong demanda ni Nadia laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.