Vhong nagka-trauma sa rape, takot nang lumandi sa babae | Bandera

Vhong nagka-trauma sa rape, takot nang lumandi sa babae

Julie Bonifacio - April 03, 2014 - 03:00 AM


Tila naninibago ang komedyanteng si Empoy sa presscon ng latest movie ng Star Cinema at pinagbibidahan ni Vhong Navarro na “Da Possessed” directed by Bb. Joyce Bernal showing on April 19.

Medyo matagal na atang ‘di nakatapak ulit si Empoy sa kanyang mother network. Bising-busy kasi si Empoy sa sunud-sunod na projects niya sa TV5.

Kaya naman wala ring tigil ang panunukso sa kanya ng co-star niya sa “Da Possessed” na si Smokey Manaloto kung nasaan ba ang loyalty niya ngayon.

After the presscon ng “Da Possessed”, nakatsikahan naman namin ang manager at parang second father na rin niya in real life na si Direk Chito Roño sa ABS-CBN garden.

He revealed na nauna nilang naumpisahan ang shoot ng “Da Possessed ” bago naganap ang pambubugbog sa kanya. Kaya naman nu’ng magre-resume na sila ng shooting, kinailangang hintayin pa ni Direk Joyce na mawala ang mga pasa sa mukha ni Vhong.

“Hinintay din niya talaga ng matagal. Actually, hindi pa nawawala totally.  Meron pa rin ‘yan kapag nakita ninyo. Pero ‘yung ngayon, natatakpan na ng make-up.

Kasi nu’ng una, halos every week nagpupunta si Joyce para i-tsek kung kaya. Kasi ‘di ba ngayon ‘yung mga HD-HD na kamera, ang linaw. Hindi mo na maitago.

Kung make-up, ang kapal. Magmumukha naman siyang maputi,” esplika ni Direk Chito. Mabuti na lang pala at maagang nakunan that day ang surprise guesting ni Vhong sa movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga bago nangyari ang pambubugbog sa kanya or else!

Sey pa ni Direk Chito sa alaga niya nu’ng ginagawa ang “Da Possessed,” nakikita pa raw niya ‘yung ibang trauma kay Vhong, “Nakatulong ng malaki si Solenn (Heussaff). Takot siya (Vhong).

Takot siya sa babae. Oo, nagkaroon siya ng ganoon. Alangan siya kasi baka may sabihin, takutin na naman siya.”

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending