Kamakailan ay nagpunta pa sa Singapore si Willie Revillame at ang kanyang mga piling-piling kaibigan para personal na pamahalaan ang mga pinamili niyang kagamitan para sa kanyang bagong negosyong restaurant.
Habang kumikita siya nang maayos ay pasok nang pasok sa negosyo ang aktor-TV host, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang kanyang kinabukasan.
“Sayang kasi ang espasyo sa nabili kong building, napakalaki nu’n, kaya nakipagsosyo ako sa isang friend ko, nagtayo kami ng restaurant du’n sa Wil’s Entertainment Place.
“Wala namang masama, basta ba magiging maganda ang takbo, okey lang sa akin ang makipagsosyo.
Wala akong alam sa pagpapatakbo ng restaurant, siya ang may alam, kaya go!” sabi ni Willie.
Isinabay niya na rin ang pagbili ng mga kagamitan para sa kanyang hotel na sa susunod na taon ay bubuksan na.
Siya mismo ang nag-shopping para sa mga ipangdidispley sa lobby nito.
“Iba kasi kapag ikaw mismo ang namimili, taste mo ang nasusunod.
Wala kang panghihinayangan, dahil ikaw mismo ang namamahala, masarap magnegosyo!” nakakatuwang kuwento pa ni Willie.
Pero hindi niya kailanman pinababayaan ang kanyang trabaho sa Wil Time, Bigtime, palaging ‘yun ang kanyang prayoridad, dahil ‘yun ang buslo na pinagkukunan niya ng ipinamumuhunan sa kanyang mga negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.