Galaw ng Numero: 1 at 9 ang mahiwaga | Bandera

Galaw ng Numero: 1 at 9 ang mahiwaga

- December 19, 2011 - 02:59 PM

Dear David,
REGULAR  mo akong mambabasa at nais kong magkaroon ng mga mahiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 19, 1976.

Ako’y office clerk at maliit lang ang suweldo ko. Nabo-boring na ako kasi’y walang asenso pero mahirap namang maghanap ng trabaho kaya’t nagtitiis na lamang ako.

Bigyan mo ako ng gabay sa tagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres  at lotto
CELSO NG DASMARINAS, CAVITE

Dear Celso,
ONE (1) at nine (9) ang mga mahiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay.  Buntala ng Sun at Mars ang kumukubabaw sa iyo.

Kulay dilaw at pula ang buenas mo. Sobrang lakas ng iyong mahihiwagang numero kaya’t mahalagang maging mapagkumbaba ka at maunawain sa mga taong nagkakasala sa iyo.

Dapat ay gumawa ka ng mga ekstrang aktibidad nang kikita ka ng ekstrang pandagdag sa pangangailangan.

Mas epektib kung magsisimula ka ng munting negosyo o magpaikot ng maliit na puhunan na siyang magiging pundasyon sa kabuhayan sa hinaharap. Buenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa sikat ng araw at tubig.

May  naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2012 at 2013  kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng mas matatag na hanapbuhay.

Buenas ka sa mga buwan ng Marso, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 22, 27at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Lunes at Huwebes. Sa suertres, isama mo sa No. 1 at No. 9ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
ASSET tips: 6-2-4/ 1-2-7/ 8-9-32. Wiretips; 3-2-7/1-3-6/ 8-6-5. Double digit; 5-9/ 3-6/ Luzon guide; 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. VisMin: 2-5-11-19-23-28-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-7/ 8-2-5-2/ 8-2-3-2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending