Solenn Heussaff binarubal ni Joyce Bernal | Bandera

Solenn Heussaff binarubal ni Joyce Bernal

Reggee Bonoan - March 31, 2014 - 03:00 AM

HINDI nakarating si Bb. Joyce Bernal sa presscon ng “Da Possessed” kahapon dahil may importante siyang inasikaso sa pamilya niya, ayaw na niya itong idetalye pero umaasa siyang maayos din ito.

Samantala, kinumusta namin ang leading lady ni Vhong Navarro na si Solenn Heussaff na first time makatrabaho ni direk Joyce na siyang kapalit ni Angel Locsin sa pelikula.

Aniya, isa sa nabanggit niya nu’ng una si Jessy Mendiola pero tumanggi ang aktres dahil hindi pa raw ito handang mag-comedy kaya’t si Solenn ang final choice ng Star Cinema big bosses.

Ayon kay direk Joyce, “Okay siya sa akin.  Medyo hindi pa siya confident pero walang kiyeme.  Binarubal ko.  ‘Yung Tagalog at pananalita niya, kailangan pang ayusin.”

Kilala kasi namin si direk Joyce na kapag bagong katrabaho niya ang artista ay talagang pinahihirapan niya o binabarubal para malaman niya kung hanggang saan ang pasensiya at kayang iarte ang hinihinging eksena.

At pag hindi rin niya type ang artista, asahan mo, ayaw na niya itong katrabaho lalo’t hindi marunong umarte at matigas ang ulo.
Going back to Solenn, natuwa si direk Joyce dahil willing to learn daw at marunong makisama at sobrang bait.

Kaya alam mo na bossing Ervin, tiyak na isa na ang sexy star sa susunod na isa-suggest niya sa upcoming projects niya. Anyway, inamin din ni direk Joyce na totoong na-cut short ang seryeng Paraiso’y Ikaw ng GMA 7 dahil hindi nga ito nagri-rate at talo ng MiraBella ni Julia Barretto.

Say mismo ni direk Joyce, “Dapat 13 weeks, e, 9 weeks lang inabot kasi, hindi nga nagri-rate.”  Hayan, maliwanag ha, sa direktor na mismo nanggaling ang maagang pagkatsugi ng Paraiso Ko’y Ikaw dahil sa MiraBella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending