Talaga palang walang sinasabi sa kontrata ni Carla Abellana sa Regal Films na puwede itong gumawa ng project outside her mother studio.
Kaya ‘yung pagkakaalam ni Gov. ER Ejercito as per Carla’s manager Arnold Vigafria ay maliwanag na isa itong panlilinlang.
Nakakaloka itong manager na ito ni Carla, ha. Masyadong nagpapaka-kontrobersyal.
Pero naniniwala kami sa obserbasyon ng marami na alam at aware dito ang “matalinong” si Carla.
Well, dalawa ang MMFF entries ni Carla. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kumita sila ng kanyang manager lalo pa’t very vocal si ER na times three ang talent fee na ibinayad nila sa aktres (natural naman sigurong inalam nila ang existing TF nito sa Regal noh, para masabing times 3).
Ano nga uli ang difference ng salitang wise sa salitang dupang? Sure kaming alam ni Carla at ng kanyang manager ang sagot diyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.